Ang Tsekya (Tseko: Česko), opisyal na Republikang Tseko, ay bansang walang pampang sa Gitnang Europa. Hinahangganan ito ng Austria sa timog, Alemanya sa kanluran, Polonya sa hilagang-silangan, at Eslobakya sa timog-silangan. Sumasaklaw ito ng lawak na 78,871 km2 at tinatahanan ng mahigit 10.8 milyong mamamayan. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ay Praga.
Unang itinatag ang Dukado ng Bohemia sa huling bahagi ng ika-9 na siglo sa ilalim ng Great Moravia. Ito ay pormal na kinilala bilang isang Imperial State ng Holy Roman Empire noong 1002 at naging isang kaharian noong 1198.[16][17] Kasunod ng Labanan sa Mohács noong 1526, ang lahat ng mga lupain ng Korona ng Bohemia ay unti-unting isinama sa monarkiya ng Habsburg. Makalipas ang halos isang daang taon, ang Protestant Bohemian Revolt ay humantong sa Tatlumpung Taon na Digmaan. Pagkatapos ng Labanan sa White Mountain, pinagsama ng mga Habsburg ang kanilang pamumuno. Sa pagbuwag ng Holy Roman Empire noong 1806, ang mga lupain ng Crown ay naging bahagi ng Austrian Empire. Ang Republikang Tseko ay isa sa mga miyembro na Unyong Europeo (EU).
Sumali ang Tsekya sa NATO noong 12 Marso 1999 at sa Unyong Europeo noong 1 Mayo 2004.
Ang pinuno ng estado ng Republikang Tseko ay ang pangulo. Karamihan sa kapangyarihang tagapagpaganap ay nakasalalay sa pinuno ng pamahalaan, ang punong ministro, na madalas ding pinuno ng pinakamalaking partido o ng pinakamalaking koalisyon sa parlamento at itinatakda ng pangulo. Ang natitira sa gabinete ay itinatakda ng pangulo sa rekomendasyon ng punong ministro.
Ang pinakamataas na katawang tagapagbatas ay ang bicameral na Parlament České republiky (Parlyamento ng Republikang Tseko), na may 281 kinatawan. Ang pinakamataas na tagapaghukom ay ang Ústavní soud (Hukumang konstitusyonal), na nasusunod sa lahat ng mga isyung konstitusyonal.
Tatlo na estado (historical lands) ang bumubuo sa Tsekya at ang kani-kaniyang kabisera:
Sa dibisyong administratibo, nahahati ang Republikang Tseko sa 14 kraj (rehiyon), ang bawat isa na isinasapangalan sa kanilang mga pangunahing lungsod:
Alemanya · Austria · Belhika · Bulgarya · Croatia · Dinamarka · Eslobakya · Eslobenya · Espanya · Estonya · Gresya · Irlanda · Italya · Latbiya · Litwaniya · Luxembourg · Malta · Nagkakaisang Kaharian · Olanda · Pinlandiya · Polonya · Portugal · Pransiya · Rumanya · Suwesya · Tsekya · Tsipre · Unggarya
Mga bansang kandidato na nasa usapan sa paglawak: Iceland · Montenegro · Serbiya · Turkiya
Mga bansang kandidato: Republika ng Masedonya (kilala ng UE bilang "Dating Republikang Yugoslav ng Masedonya")
Mga bansang maaring maging bansang kandidato: Albanya · Bosnia at Herzegovina · Kosovo
49°45′N 15°30′E / 49.750°N 15.500°E / 49.750; 15.500 Maling banggit (May <ref> tag na ang grupong "lower-alpha", pero walang nakitang <references group="lower-alpha"/> tag para rito); $2
<ref>
<references group="lower-alpha"/>