Nakaturo ang "Katagalugan" dito. Para sa rehiyon sa Pilipinas, tingnan ang Timog Katagalugan.
Ang Republikang Tagalog ay isang termino na ginagamit upang tumukoy sa dalawang kinatawang panghimagsikan sa Himagsikang Pilipino. Ang dalawa ay may kaugnayan sa himgasikang kilusang Katipunan.
Ngunit ang lihim na samahan ng Katipunan ay pinahaba pa ang ibig-sabihin o kahulugan ng mga terminong ito bilang pagtukoy sa lahat ng mga katutubo ng Kapuluan ng Pilipinas. Ang pangunahing paggamit ng Tagalog ay binigyang-kahulugan ng samahan sa isang talababa:
Sa salitáng tagalog katutura’y ang lahát nang tumubo sa Sangkapuluáng itó; sa makatuid, bisaya man, iloko man, kapangpangan man, etc., ay tagalog din.[1][2]
Ang rebolusyonaryong si Carlos Ronquillo ay sinulat ito sa kanyang mga akda:
Ang tagalog o lalong malinaw, ang tawag na “tagalog” ay waláng ibáng kahulugán kundi ‘tagailog’ na sa tuwirang paghuhulo ay taong maibigang manirá sa tabíng ilog, bagay na 'di maikakaila na siyáng talagáng hilig ng tanang anák ng Pilipinas, saa’t saán mang pulo at bayan.[1][2]
Sa ganitong paggalang, ang Katagalugan ay maaaring isalin bilang ang "Bansang Tagalog."[1][2]
Si Andrés Bonifacio, ang kasaping nagtatag ng Katipunan at sa ang magiging pinuno (supremo) ay nagpalaganap ng paggamit ng Katagalugan para sa bansang Pilipinas. Ang terminong "Filipino" ay ipinagagamit lamang sa mga Kastilang ipinanganak sa Pilipinas. Sa pagtanggal ng "Filipino" at "Filipinas" na may banyagang kolonyal na pinaghmula, si Bonifacio at ang kanyang mga kapwa-rebolusyonarista ay "naghahangad na makabuo ng isang pambansang pagkakakilanlan."[1]
Bonifacio
Haring-Bayang Katagalugan
1896–1897
Isa sa mga ginamit na anyo ng watawat ng Katipunan
Awiting Pambansa: Marangál na Dalit ng̃ Katagalugan
Noong 1896, ang Himagsikang Pilipino ay nagsimula nang matapos ang pagkakatuklas ng Katipunan ng mga nasa kapangyarihan. Matapos sa malakihang mga pagkakasalungatan, ang Kaipunan ay naging isang bukas na pamahalaang rebolusyonaryo.[1][3][4] Ang Amerikanong historyanong si John R. M. Taylor na kustodyan sa Talang Paghihimagsik sa Pilipinas ay sinulat:
Ang Katipunan ay lumabas mula sa mga pagtatakip ng lihim na disenyo na tinanggal ang pangtakip sa lahat ng mga dahilan at tumayo nang matatag para sa kalayaan ng Pilipinas. Si Bonifacio ay ginawang hukbo ang kanyang mga kasama, ang mga pinuno bilang mga kapitan at ang supremong pagpupulong ng Kayipunan bilang ang panghimagsikang pamahalaan ng Pilipinas.[1][2]
Ang ilang mga historyanong Pilipino ay sumang-ayon. Ayon kay Gregorio Zaide:
Ang Katipunan ay higit pa sa isang lihim na samahan; ito ay isang pamahalaan. Ito ang kagustuhan ni Bonifacio na ang Katipunan ng mamuno sa buong Pilipinas matapos ipatapon ng Pamahalaang Kastila..[1][4]
Nainpluwensiyahan ng Malayang Masoneriya, ang Katipunan ay pinamahalan ng mga "sarili nitong batas, istrakturang biyurokratiko at hinahalal na pamumuno."[1] Sa bawat lalawigan na may kinalaman ito, ang Samahang Supremo ay nakipagtulungan sa mga konseho ng mga lalawigan[2] na namumuno sa "pampubilkong pamamahala at pangh antasukbong kapakanan sa supra-munisipal o quasi-probinsiyal[1] at mga lokal na konseho [2] na namumuno sa kapakanan "sa distrito o antas barrio."[1]
Sa mga huling araw ng Agosto, ang mga kasapi ng Katipunan ay nagpulong sa Kalookan at nagsimulang magsagawa ng kanilang paghihimagsik [1] (ang pangyayaring ito ay matapos na tinawag na "Sigaw sa Balintawak" o "Sigaw ng Pugad Lawin"; ang eksatong lugar at petsa ay pinagtatalunan).
↑ 2.02.12.22.32.42.5Guererro, Milagros; Schumacher, S.J., John (1998), Reform and Revolution, Kasaysayan: The History of the Filipino People, bol. 5, Asia Publishing Company Limited, ISBN962-258-228-1
↑Agoncillo 1990, pp. 177–179 harv error: no target: CITEREFAgoncillo1990 (help)
↑ 4.04.1Zaide, Gregorio (1984), Philippine History and Government, National Bookstore Printing Press