Ang La Liga Filipina ay isang samahan na itinatag ni Dr. Jose Rizal sa Pilipinas noong Hulyo 3, 1892. Binubuo ito ng mga taong nagnanais na maputol ang pang-aapi ng mga Kastila sa mga Pilipino. Ito ang nagpasimula ng pagkakaroon ng nasyolisasyon ng mga Pilipino. Ang pangunahing layunin nito ay ang maging malaya ang Pilipinas sa Espanya sa mapayapang paraan. Ang pangulo nito ay si Ambrosio Salvador. Ito ay nagtagal lamang ng tatlong araw. Ipinakulong si Rizal noong Hulyo 6, 1892 at ipinatapon siya sa Dapitan noong Hulyo 7, 1892. Ang La Líga Filipína ang samahang itinatag ni Jose Rizal sa Kalye Ilaya, Tondo noong 3 Hulyo 1892, sa panahong umuusbong ang militanteng nasyonalismo sa lipunang Filipino. Hangarin ng nasabing samahan ang mga sumusunod: 1) pagkakaisa ng buong Filipinas, 2) pagtataguyod ng mga reporma, 3) pagbibigay ng suporta sa edukasyon, agrikultura, at komersiyo, 4) paglaban sa anumang uri ng karahasan at di-makatarungang gawain, at 5) pagbibigay ng proteksiyon at tulong ng bawat kasapi sa isa’t isa.
Sina Ambrosio Salvador bilang pangulo, Bonifacio Arevalo bilang ingat-yaman, Deodato Arellano bilang kalihim, at Agustin de la Rosa bilang piskal, ng nasabing samahan hábang may 14 naman itong kagawad, kabílang sina Andres Bonifacio at Apolinario Mabini. Tungkulin ng bawat kasapi na magbigay ng butaw na 10 sentimo sa samahan buwan-buwan na gagamitin sa pagsustento sa masisipag at mahuhusay ngunit maralitang miyembro, sa pagtulong sa mga kasaping nangangailangan ng tulong pinansiyal sa pagpapautang sa mga nagnanais pumasok sa negosyo o agrikultura, at sa pagpapatayô ng mga tindahang ábot-káya ang bilihin.
Bagama’t hindi subersibo o tahasang lumalaban sa pamahalaan ang La Liga Filipina, masigasig na binantayan ng mga awtoridad ang mga kilos at gawain ng mga miyembro nitó sa simpleng dahilan na si Rizal ang nagtatag ng samahan. Pansamantalang natigil ang samahan nang hulihin si Rizal at ipatapon siya sa Dapitan noong 7 Hulyo 1892.
Binuhay muli nina Mabini at Bonifacio ang La Liga Filipina ngunit di-nagtagal ay nagsawa rin ang mga miyembro sa pagbibigay ng mga buwanang butaw at sa kawalan ng pananalig na pakikinggan ng gobyerno ang sinusuportahan nilang pahayagan, ang La Solidaridad. Marami sa mga miyembro nitó, katulad nila Mamerto Natividad, Domingo Franco, Numeriano Adriano, at Jose Dizon ay sumapi sa Katipunan at ang iba naman ay bumuo ng sarili nilang samahan at ang iba ay sumapi sa Cuerpo de Compromisarios.