Ang Pambansang Aklatan ng Republikang Tseko (Tseko: Národní knihovna České republiky) ay ang sentrong aklatan ng Republikang Tseko. Pinamumunuan ito ng Ministeryo ng Kultura. Matatagpuan ang pangunahing gusali ng aklatan sa makasaysayang gusaling Clementinum sa gitna ng Praga, kung saan nakatago ang halos kalahati ng mga aklat nito. Nakaimbak naman ang isa pang kalahati ng koleksyon sa distrito ng Hostivař.[3] Pinakamalaking aklatan sa buong Republikang Tseko ang Pambansang Aklatan, na naglalaman ng halos 6 na milyong dokumento. Sa kasalukuyan, halos 20,000 ang rehistradong mambabasa nito.[1] Bagama't tekstong Tseko ang karamihan ng laman nito, may mga mas lumang libro sa aklatan mula sa Turkiya, Iran at Indiya.[4] Naglalaman din ang aklatan ng mga libro para sa Pamantasang Carlos sa Praga.[5]
Mga sanggunian