Si Huntress ay ang pangalan ng ilang kathang-isip na mga karakater ng lumalabas sa komiks na nilalathala ng DC Comics, karaniwang naikakabit kay Batman. Ang dal
| Huntress | |
|---|---|
| Naglimbag | DC Comics |
| Unang paglabas | Sensation Comics #68 (1947) |
| Nilikha ni | Mort Meskin |
| Mga karakter | Paula Brooks Helena Wayne Helena Bertinelli |
Si Huntress ay ang pangalan ng ilang kathang-isip na mga karakater ng lumalabas sa komiks na nilalathala ng DC Comics, karaniwang naikakabit kay Batman. Ang dalawang kilalang Huntress ay sina Helena Bertinelli at Helena Wayne, na ang huli ay mula sa isang alternatibong uniberso (o alternate universe) Bagaman magkaparehong superhero sina Helena Wayne at Helena Bertinelli, isang supervillain ang Huntress ng Panahong Ginuntuan ng Komiks.
Si Helena Wayne ang Bronze Age (o Panahong Tanso) na Huntress, ang anak nina Batman at Catwoman ng Earth-Two (o Ikalawang Daigdig), isang alternatibong uniberso na itinatatag noong maagang dekada 1960 bilang daigdig kung saan ang tagpuan ng mga kuwento ng Panahong Ginuntuan.[1] Tahanan din iba't ibang bersyon ng mga karakter ng DC ng Panahong Ginuntuan ang Earth-Two.
Nilikha nina Paul Levitz, Joe Staton, at Bob Layton, unang lumabas ang karakter sa All Star Comics #69 (Disyembre 1977) at DC Super Stars #17, na lumabas sa parehong araw[2] at hinayag ang kanyang pinagmulan.[3] Lumabas siya sa Batman Family #17-20 nang lumawig ito sa pormat ng Dollar Comics para sa ilang huling isyu.[4] Lumitaw ang karamihan ng mga kuwentong solo bilang tampok na backup sa mga isyu ng Wonder Woman simula sa isyu #271 (Setyembre 1980).[4][5]
Kasunod ng miniserye noong 1985 Crisis on Infinite Earths, natanggal ang bersyon na Helena Wayne ni Huntress mula sa pagpapatuloy. Nagpakilala ang DC Comics ng bagong bersyon ni Huntress na may parehong unang pangalan at pisikal na itsura, at may parehong kasuotan, subalit may ibang pinagmulan at personalidad.
DC Super Stars #17 (November–December 1977): While writer Paul Levitz and artist Joe Staton introduced the Huntress to the JSA in this month's All Star Comics #69, they concurrently shaped her origin in DC Super Stars.
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.