Ang batarang ay isang hugis-paniking sandata na ginagamit ng superhero ng DC Comics na si Batman. Pinaghalong salita ito ng bat (paniki) at boomrerang (isang ka
Ang batarang ay isang hugis-paniking sandata na ginagamit ng superhero ng DC Comics na si Batman. Pinaghalong salita ito ng bat (paniki) at boomrerang (isang kagamitang hinahagis at bumabalik sa naghagis). Bagaman ipinangalan sila sa mga boomerang, mas naging parang shuriken (nakatagong sandata na mula sa Hapon) ang mga batarang sa mga kamakailang interpretasyon. Naging pangunahing sandata ni Batman ang mga ito na lumabas sa bawat pangunahing adaptasyon sa telebisyon at pelikula ng Batman sa kasalukuyan. Sa mga kamakailan lamang na interprestasyon, naging karagdagang pag-uudyok kay Batman na gamitin ang batarang bilang pang-atakeng malayuan (alternatibo sa mga sandatang pumuputok, na kanyang tinatanggihan dahil sa nangyari sa pagpatay sa kanyang mga magulang) at ginagamit niya upang pangunahing tanggalin ang baril sa kamay ng sumasalakay.[1]
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.