Ang 1918 (MCMXVIII) ay isang karaniwang taon na nagsimula noong Martes sa Kalendaryong Gregoryano at Lunes sa Kalendaryong Juliyano. Ito ang ika-1918 na taon ng Karaniwang Panahon (Common Era, CE) at Anno Domini (AD), ang ika-918 na taon ng ikalawang milenyo, ang ika-18 na taon ng ika-20dantaon, at ang ika-9 na taon ng dekada 1910. Sa pagsisimula ng 1918, ang Kalendaryong Gregoryano ay 13 araw na nauuna sa Kalendaryong Juliyano, na nanatiling ginagamit sa ilang lokalidad hanggang 1923.
Ang kasunduang tigil-putukan na epektibong nagwakas sa Unang Digmaang Pandaigdig ay naganap sa ikalabing-isang oras ng ikalabing-isang araw ng ikalabing-isang buwan ng taong ito. Sa taon ding ito, ang pandemya ng trangkasong Espanyol ay kumitil ng tinatayang 50 hanggang 100 milyong katao sa buong mundo.
Sa Rusya, ang taong ito ay may 352 araw lamang. Bunga ng paglipat mula sa Kalendaryong Juliyano patungo sa Kalendaryong Gregoryano, kinailangang laktawan ang 13 araw. Ang Miyerkules, Enero 31 (Kalendaryong Juliyano) ay kaagad na sinundan ng Huwebes, Pebrero 14 (Kalendaryong Gregoryano).
Enero 18 – Idinaos sa Konzerthaus sa Viena ang Makasaysayang Konsiyerto para sa Kapakinabangan ng mga Balo at Ulila ng mga Sundalong Austriyano at Unggaro.[2]
Abril 21 – Isang lindol ang yumanig sa katimugang California, Estados Unidos na nagdulot ng pinsalang nagkakahalaga ng $200,000, ikinamatay ng isang tao, at ikinasugat ng ilan pa.[5]
Hunyo 9 – Ginampanan ni Theda Bara ang pangunahing papel sa tahimik na dramang Under the Yoke, na kalaunan ay naging kontrobersyal dahil sa paglalarawan nito sa mga Pilipino at sa panig lamang ng pananaw nito hinggil sa pananakop ng Estados Unidos sa Pilipinas.[8]
Hunyo 18 – Itinatag sa Guagua, Pilipinas, ang kauna-unahang Guagua National Colleges (Pambansang Kolehiyo ng Guagua).[9]Si Gran Dukesa Anastasia Nikolaevna ng Rusya na pinatay sa utos ng partidong Bolshivek noong Hulyo 17, 1918. Pinatay din ang kanyang ama na si Tsar Nicholas II, mga kaanak at kasama sa bahay. Ang sinasabing pagkaligtas ni Anastasia ay naging paksa ng mga pelikula (gaya ng animasyong pelikula noong 1997 at ng pelikula noong 1956 na pinagbatayan nito, na pinagbidahan nina Ingrid Bergman at Yul Brynner), mga pelikulang ginawa para sa telebisyon, at isang musikal sa Broadway na batay sa animasyong pelikula noong 1997.
Hulyo 17 – Sa utos ng Partidong Bolshevik at isinagawa ng Cheka, binaril at pinatay sa Bahay Ipatiev sa Ekaterinburg, Rusya, ang dating tsar ng Rusya na si Nicholas II at ang kaniyang asawang si Alexandra Feodorovna. Pinaslang din ang kanilang mga anak na sina Olga, Tatiana, Maria, Anastasia, at Alexei. Napatay rin ang manggagamot ng maharlikang pamilya na si Eugene Botkin, ang kasambahay na si Anna Demidova, ang tauhang si Alexei Trupp, at ang kusinerong si Ivan Kharitonov.[10]
Setyembre 7 – Inilathala ni John Brian Christopherson ang kaniyang natuklasan na ang antimonyo potasyum tartrato ay isang mabisang lunas sa bilharzia, isang sakit na dulot ng mga parasitikong flatworm (platelminto o Platyhelminthes).[12]
Disyembre 3 – Isang maliit na singsing na eklipse ng Araw (annular solar eclipse) ang nagtakip sa 94% ng Araw sa isang malawak na landas na may lapad na hanggang 236.4 kilometro, at tumagal nang 7 minuto at 5.69 segundo. Namataan ang eklipse sa malaking bahagi ng Timog Amerika, kabilang ang Santiago, Buenos Aires, at Montevideo, gayundin sa ilang bahagi ng Timog-Kanlurang Aprika.[15]
↑Dr. Nathan Bradford, "1901–1935: How Americans and Filipinos regarded each other" in "Proceedings of the Second International Academic Conference on the Cultural Images of Colonial Domination", Cape Town, 1999 (sa Ingles)
↑"History-GNC". GNC (sa wikang Ingles). GNC Portal. Nakuha noong 3 Disyembre 2017.
↑Rappaport, Helen (2010). The Last Days of the Romanovs: Tragedy at Ekaterinburg (sa wikang Ingles). St. Martin's Griffin. pp. 178–186. ISBN978-0312603472.
↑Lyandres, Semion (Taglagas 1989). "The 1918 Attempt on the Life of Lenin: A New Look at the Evidence". Slavic Review (sa wikang Ingles). 48 (3). Cambridge University Press: 432–448. doi:10.2307/2498997. JSTOR2498997. S2CID155228899.
↑"Saros Series 131". Catalog of Solar Eclipses (sa wikang Ingles). NASA. Nakuha noong 6 Oktubre 2018.
Content Disclaimer
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.
The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.