Ang California /ka·li·for·nya/ ay isang estado na matatagpuan sa kanlurang pampang ng Estados Unidos. Ito ang pinakamataong estado sa Estados Unidos, at kung magiging independeng bansa, magiging pang-anim sa pinamalaking ekonomiya sa buong mundo, pagkatapos ng Pransiya na halos magkalapit lamang at nilagpasan ang lahat ng mga pinagsamang bansa. Marahil ang pinaka-ibang estado sa bansa sa pisikal at demograpikal na anyo, "Ang Ginintuang Estado" o The Golden State ang kanyang opisyal na palayaw. Kadalasang inaakalang pantukoy sa Gold Rush (Dagsa ng Ginto) ng California noong 1849 ngunit sa katotohanan tumutukoy ito sa mga natural na damo na nagiging ginto ang kulay tuwing panahon ng tag-araw. CA ang opisyal na daglat pangkoreo ng California, at sa Associated Press, Calif. naman ang daglat nito.
Pinagmulan ng pangalan
Orihinal na tumutukoy ang salitang California sa buong rehiyon na bumubuo sa Tangway ng Baja California ng Mehiko, at ng mga kasalukuyang mga estado ng California, Nevada, at ng Utah, at ilang bahagi ng Arizona, Bagong Mehiko at Wyoming.
Mas kadalasang pinaniniwalaan na ang California ay hango sa isang kathang-isip na paraiso na tinitirahan ng mga Amasona na pinamumunuan ni Reyna Calafia.[3][4] Nakatala ang kuwento ni Calafia isang gawa noong 1510 na Ang mga Pagsasamantala ng Esplandian, isinulat bilang kasunod ng Amadis de Gaula ng Kastilang manunulat at abentura na si Garci Rodríguez de Montalvo.[5][6][7] Ayon kay Montalvo, isang malayong lupain ang kaharian ni Reyna Calafia, na tinitirahan ng mga gripon at ng iba pang mga kakaibang mga halimaw, at mayaman sa ginto.
Ika-5 ang salitang California sa mga lumang salitang panglugar ng mga Europeo sa Estados Unidos at dating ginagamit sa ngayong pinakatimog na dulo ng tangway ng Baja California bilang Pulo ng California ng mga Kastilang manlalayag na pinamumunuan ni Diego de Becerra at Fortún Ximénez, na dumaong doon noong 1533 sa utos ni Hernán Cortés.[8]
May 482 mga nasaping lungsod at bayan, kung saang 460 ay mga lungsod at 22 ay mga bayan. Sa ilalim ng batas ng California, ang mga katagang "city" at "town" ay malinaw na mapagpapalit; ang pangalan ng isang nasaping munisipalidad sa estado ay maaaring "City of (Pangalan)" o "Town of (Pangalan)".[9]
Naging kauna-unahang nasaping lungsod ang Sacramento noong ika-27 ng Pebrero, 1850.[10] Magkatablang mga pangalawang nasaping lungsod ang San Jose, San Diego at Benicia, bawat isa ay nakatanggap ng pagiging lungsod na katayuan noong ika-27 ng Marso, 1850.[11][12][13] Ang Jurupa Valley ay naging pinakahuling nasaping lungsod ng estado at ika-482 nasaping munisipalidad noong ika-1 ng Hulyo, 2011.[14][15]
↑Putnam, Ruth (1917). "Appendix A: Etymology of the Word "California": Surmises and Usage". Sa Herbert Ingram Priestley (pat.). California: the name. Berkeley: University of California. pp. 356–361.
↑"CA Codes (gov:34500-34504)". California State Senate. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 27, 2009. Nakuha noong Enero 29, 2010. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)