Ito ang gabay sa pagsasalinwika ng mga pangalan ng mga pook at iba pang paksa mula sa Ingles, Kastila, ibang Wikipediang Pilipino, at mula sa mga dayuhang wika
Ang nilalaman ng pahinang ito ay opisyal na patakaran sa Wikipedia. May malawak itong pagtanggap sa pagitan ng mga tagapatnugot at kinikilala bilang isang pamantayan na nararapat sundin ng lahat. Maliban sa maliliit na pagbabago, maaaring gamitin ang pahinang usapan upang magmungkahi ng mga pagbabago sa patakarang ito.
Ang pahinang ito sa maikling salita: Sinisikap ng Wikipediang Tagalog na gamitin nang tama ang wikang Tagalog sa nilalaman nito at balansehin ang iba't ibang pananaw sa pagsasalin sa Tagalog. Sa pangkalahatan, kapag may umiiral na salin sa Tagalog para sa isang bagay na makikita sa isang mapagkakatiwalaang sanggunian, dapat gamitin ito. Mahigpit na hinihikayat ang mga patnugot ng Wikipediang Tagalog na umiwas sa paggamit ng Taglish habang nagsusulat ng artikulo, maliban lamang kung talagang hindi ito maiwasan.
Ito ang gabay sa pagsasalinwika ng mga pangalan ng mga pook at iba pang paksa mula sa Ingles, Kastila, ibang Wikipediang Pilipino, at mula sa mga dayuhang wika ng Wikipedia.
Sa kasalukuyan, marami nang gawi sa Pananagalog ngayon katulad ng maaari nating sabihing puristang pananagalog, malalim na pananagalog, mababaw na pananagalog, at karaniwang pananagalog. Gayon din, mayroorong makabagong pananagalog at makalumang pananagalog. Subalit mahalaga talaga na magkaunawaan o maintindihan ang mga talata, talataan, tuludtod, taludturan, pangungusap, at mga katulad, na itinagalog, kaya mahalaga ring maikawing ang lathalain o artikulo at mga salitang ginagamit sa mga artikulo patungo sa mga pahina ng mga tunay at tamang katawagan sa wikang Tagalog. Sa gawing ganito, nilalayong maituro sa mambabasa at sa ibang mga Wikipedista (kapiling ang sumulat ng artikulo) sa tama at dapat na gamiting mga salita, pananalita, pamagat at iba pa. At para din maiwasan ang mga artikulong may Pananagalog na bagaman naisalin ay hindi naman maunawaan ng mga mambabasa. Kaya madiin ding iminimungkahi ng Wikipediang to ang paggamit nang tama at hustong Tagalog (tama at tanggap nating bersiyon sa Tagalog sa Wikipediang ito) at pagbatay sa palabaybayan at panuntunan ng Komisyon ng Wikang Filipino (1987, 2009 at 2013), bagaman may bahagyang pagkakaiba ayon sa aktuwal na paggamit sa Tagalog Wikipedia (Wikipedia:Patungkol). Dahil sa mga nabanggit na ito, masasabing nilalayon ang pagkakaroon ng Makabagong Pamantayang Wikang Tagalog (o matatawag ding ensiklopedikong Tagalog na pang-Wikipedia), at makatutulong ito sa pagpapaunlad - tuwiran man o hindi - ng pagpapaunlad ng iba pang mga Wikang Pilipino at sa pagkakaroon ng tunay at matatag na Wikang Filipino (o isang Pamantayang Wikang Filipino).
Isinasagawa rin ang pagsasalinwika sapagkat may kakayahan ang Wikang Tagalog bigyan ng mga katumbas ang mga salitang banyaga o nagmula sa ibang katutubong wika sa Pilipinas, lalo na kung pagtutuonan ng sapat na pansin at pag-uukulan ng nararapat na pagtitiyaga.
Narito ang mga gabay na patakaran, pamantayan, at panuntunan:
Sa pangkalahatan, gamitin ang katumbas na salita, katawagan, o pangalan sa wikang Tagalog para sa pamagat ng pahina at pangalan ng artikulo (partikular na sa pambungad). Piliting huwag manghiram kung may katumbas sa Tagalog. Tahasang gamitin ang alam mo o sa tingin mong tawag nito sa Tagalog.
Manghiram lamang kung wala talagang mahanap na katumbas sa Tagalog o kung hindi alam ang katumbas sa Tagalog. Partikular ang mga teknikal na salita na kahit maaring mayroon literal na salin ay hindi naangkop na isalin. Iwasan din ang mga salitang inimbento o neolohismo na hindi laganap na ginamit (tulad ng sipnayan). Maaring hindi na kailangan manghiram kung laganap na itong ginagamit sa panitikan o sa pang-araw-araw na gamit kahit pa na mula pa ito sa naimbentong salita (tulad ng salitang agham). Siguraduhin din na kung hindi manghihiram, maiintindihan dapat ang Tinagalog na salita. Kung hindi maintindihan sa unang basa ang di-hiniram na mga pananalita, manghiram na lamang. Halimbawa, ang pisikang katawagan na dark matter, kapag isinalin ito bilang "bagay na madilim", hindi ito maiintindihan sa unang basa, kaya, manghiram na lamang.
Kadalasan sa paghihiram, mas angkop ang hinango mula sa wikang Kastila kaysa sa wikang Ingles. Halimbawa, mas magandang mabasa ang hinangong salitang Kastila na "pilosopiya" kaysa sa hinangong salitang Ingles na "pilosopi". Bagaman, may mga pagkakataon na mas angkop na manghiram mula sa Ingles kung ito ang mas popular na gamit sa pang-araw-araw na komunikasyon tulad ng salitang "boksing".
Maaring gumamit ng diksiyonaryong nasa Tagalog, Pilipino, at Filipino subalit mas mainam kung makita pa ang hindi gaanong ginagamit na salita sa mga lathalain o panitikan.
Ibigay ang sanggunian ng katumbas na salitang nasa Tagalog na. Maaaring banggiting sanggunian ang mga talahuluganan, ensiklopedya, websayt, o anumang babasahing gumamit na ng salita, kabilang ang mga nobela, Bibliya, maikling kuwento, sanaysay, at iba pa pang katulad na mga lathalain, elektroniko man o hindi.
Maaaring humingi ng tulong at mungkahi sa Wikipedia:Kapihan at Wikipedia:Konsultasyon. Maaari ka ring magtala ng mga tanong at komento sa pahina ng usapan ng artikulo o lathalain.
Sa teksto, ibigay ang lahat ng katumbas pang mga salita at katawagang nasa Tagalog sa pambungad o katawan ng teksto. Maaari ring gumawa ng seksiyon para sa mga kasingkahulugan o sinonimo.
Lagyan ng interwiki ang artikulo, partikular ang pinagmulang dayuhang bersyon (kadalasan sa Wikipediang Ingles) ng artikulo para mas madaling masuri at maitama kung may kamalian man. Nakalagay ang interwiki sa Wikidata. Para malaman kung paano maglagay ng interwiki, tingnan ang pahinang tulong na ito na nasa Wikipediang Ingles: en:Help:Interlanguage links
Basahin din ang mga sumusunod na natatanging gabay na nakapaksa:
Pangalan ng mga tao
Gamitin ang karaniwang pagkakakilanlang pangalan ng isang tao (unang pangalan at apelyido) ayon sa orihinal na baybay. Kung mayroon katumbas sa Tagalog o naka-Tagalog, ibigay muna ang nasa Tagalog o naka-Tagalog. Pagkaraan, ilahad ang orihinal na bersyon ng pangalan sa teksto o nakapaloob sa mga parentesis. Basahin din ang nasa Wikipedia:Mga kumbensiyon sa pagsusulat ng mga artikulo.
Ang alinman sa mga tuntunin sa itaas ay napapawalang-bisa ng anumang kasalungat na direktiba at/o consistent, sustained practice mula sa Komisyon sa Wikang Filipino.
Pangalan ng mga pook
Tagalugin ang mga pangalan ng pook ayon sa baybay, balarila, at iba pang panuntunang pangpananagalog. Ibigay ang iba pang bersiyong gámit sa Tagalog. Ilahad din ang orihinal o mas pamilyar nitong mga pangalan pagkaraan ng Tinagalog na katawagan.
Ang alinman sa mga tuntunin sa itaas ay napapawalang-bisa ng anumang kasalungat na direktiba at/o consistent, sustained practice mula sa Komisyon sa Wikang Filipino.
Ang itaas ay pangkalahatang tuntunin: napapawalang-bisa ito kapag mayroon nang tanggap na anyo ng pangalan ng wika sa Filipino na hindi hango sa Kastila. Halimbawa, gamitin ang Amerikano sa halip na Estadounidense, Biyetnames sa halip na Biyetnamita, Waray sa halip na Samarenyo, Malay sa halip na Malayo, at Indones sa halip na Indonesyo.
Ang alinman sa mga tuntunin sa itaas ay napapawalang-bisa ng anumang kasalungat na direktiba at/o consistent, sustained practice mula sa Komisyon sa Wikang Filipino.
Katawagan sa mga hayop at halaman
Para sa mga pangalan ng hayop at halaman, gamitin ang pangalang pang-agham kung walang mahanap na katumbas sa Tagalog. Maaaring tumbasan ng pinaniniwalaang katumbas sa Tagalog subalit ilagay din ang pangalang pang-agham. Tingnan ang Wikipedia:Gabay sa Istilo (Taksonomiya).
Termonolohiyang pangkompyuter
Sa pangkalahatan, ibigay ang orihinal na katawagan. Pagkaraan, kung maaring Tagalugin batay sa pangkalahatang pasasalin, Tagalugin itong sinusundan ng kahulugan, paliwanag at iba pang bahagi ng teksto.
Ang alinman sa mga tuntunin sa itaas ay napapawalang-bisa ng anumang kasalungat na direktiba at/o consistent, sustained practice mula sa Komisyon sa Wikang Filipino.
Opisyal na mga pangalan o salin
Kung may opisyal na pangalan o salin sa Tagalog, gamitin ito. Kung wala naman, isalin ayon sa mga panuntunang nabanggit at gumamit ng talahuluganan o diksiyonaryo at mga katulad. Gamitin ang pinakamalápit o pinakakatumbas ng nasa pinagmulang wika o kung ano ang napagkasunduan sa WP:Kape o ibang pahinang pangusapan. Subalit, ituro papunta sa pahina o lathalain ang lahat ng maaaring maging ibang kayarian ng salin (kabilang ang mga iba at kaibang gawi sa pagkakasulat at pagkakabaybay).
Kung sa ibang wika lámang may opisyal na pangalan ang paksa (partikular na ang mga pangalan ng kompanya o negosyo), ito ang gamitin bílang pamagat ng pahina o lathalain. Ilagay din ito sa pambungad ng teksto na sinusundan ng katumbas sa Tagalog o salin sa Tagalog. Kung kapwa may opisyal na pangalan sa Tagalog at dayuhang wika, ibigay ding pareho upang madaling makilala ng mambabasa. Gamitin ang Tagalog o tinagalog na pamagat - batay sa opisyal na saling may sanggunian - bílang pangalan ng pahina.
Kadalasang namamayani ang karaniwang tawag sa Tagalog na laganap na ginagamit kaysa opisyal na pangalan.
Mga kaugnay na artikulo at kategorya
Basahin din ang mga sumusunod na kaugnay na mga lathalain:
Komisyon sa Wikang Filipino. Filipino-English Dictionary / Diksyunaryong Pilipino-Ingles (1993), Pasig, Lungsod ng Maynila
JVP English-Filipino Thesaurus-Dictionary / JVP Diksyunaryo at Tesorong Ingles-Pilipino (1988), Lungsod ng Maynila, Mhelle L. Publications (Palimbagang Mhelle L.)
Zorc, R. David Paul, Tagalog Slang Dictionary / Diksyunaryo ng mga Islang (Salitang Balbal) sa Tagalog (1993), Maynila, Palimbagan ng Pamantasan ng De la Salle
Enclaire Foundation, Inc. The New Philippines Comprehensive Dictionary (8 Major Dialects [Tagalog, Bikolano, Ilonggo, Ilokano, Hiligaynon, Cebuano, Pampanggo, at Pangasinanse], 2001-2003), Kimball Educational Company, 962 pahina, ISBN 9710328026
Rubino, Carl. 2002. Talahulugang Tagalog-Inggles/Inggles-Tagalog. Hippocrene Books: Lungsod ng New York. ISBN-10: 0781809606. ISBN-13: 978-0781809603.
Oficina de Educación Iberoamericana. Hispanismos en el tagalo (1972), Madrid: IMNASA, 628 pahina.
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.
The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.