Type Dangerous

Ang "Type Dangerous" (lit. na 'Tipong Mapanganib') ay isang kanta ng Amerikanang mang-aawit at manunulat ng kanta na si Mariah Carey. Inilabas ito no

"Type Dangerous"
Single ni/ng Mariah Carey
mula sa album na Here for It All
Nilabas6 Hunyo 2025 (2025-06-06)
Tipo
  • Hip hop soul
  • R&B
Haba2:55
TatakGamma
Manunulat ng awit
  • Mariah Carey
  • Brandon Paak Anderson
  • Daniel Moore II
  • Eric Barrier
  • Jairus Mozee
  • Jason Pounds
  • Rae Khalil
  • William Griffin
Prodyuser
  • Mariah Carey
  • Daniel Moore
  • NWi
Kronolohiya ng mga single ni/ng Mariah Carey
"Portrait"
(2024)
"Type Dangerous"
(2025)
"Sugar Sweet"
(2025)
Bidyong pangmusika
"Type Dangerous" sa YouTube
Bidyo ng liriko
"Type Dangerous" sa YouTube

Ang "Type Dangerous" (lit. na'Tipong Mapanganib') ay isang kanta ng Amerikanang mang-aawit at manunulat ng kanta na si Mariah Carey. Inilabas ito noong Hunyo 6, 2025, bilang pangunahing single mula sa kanyang paparating na ikalabing-anim na album sa estudyo, Here for It All (2025), sa pamamagitan ng Gamma. Isinulat at ipinrodyus ni Carey ang single kasama sina Anderson .Paak, NWi, at Daniel Moore. Gumamit ang kanta ng sampol mula sa kantang 'Eric B. Is President' nina Eric B. & Rakim noong 1987.

Ang "Type Dangerous" ay isang kantang hip hop soul at R&B na may mga elementong soul at pop, na may pundasyong new jack swing at produksiyong patambulin. Ineeksplor ng mga liriko nito ang pang-akit sa isang taong maaaring mapanganib, at inilarawan ni Carey ang kanta bilang simula ng isang bagong malikhaing kabanata.

Sanligan at paglabas

Noong Hunyo 3, 2025, unang ipinahiwatig ang "Type Dangerous" sa isang maikling bidyo sa hatirang pangmadla ni Carey, kung saan pinakinggan niya ang isang kantang may label na "T:D_MC16.mp3" habang nakaupo sa isang kotse na may plakang may nakasulat na "MC16", na nag-udyok ng espekulasyon tungkol sa kanyang ika-labing-anim na album sa estudyo.[1][2] Inanunsiyo ang single na pinamagatang "Type Dangerous" at nakatakdang ipalabas tatlong araw pagkatapos noong Hunyo 6.[3]

Sa isang pahayag sa midya, nagpahayag si Carey ng pananabik para sa pagpapalabas, tinawag itong simula ng isang bagong kabanata, at binanggit na gumugol siya ng makabuluhang oras sa studio sa paglikha ng bagong materyal.[4] Minarkahan ng single ang unang pangunahing solong paglabas ni Carey mula sa "In the Mix" noong 2019,[5] kasunod ng kanyang album noong 2018 na Caution,[6][7] at ng isang panahong nakatuon sa mga pana-panahong promosyon at mga edisyong pang-anibersaryo ng kanyang naunang likha, kabilang na ang isang kamakailang pinalawig na muling paglalathala ng The Emancipation of Mimi, na inilabas ilang linggo bago, noong Mayo 2025, upang ipagdiwang ang ika-20 anibersaryo ng album.[8][9][10]

Komposisyon

Ang "Type Dangerous" ay isang awiting R&B na nagsasampol ng klasiko ng hip hop noong 1987 na "Eric B. Is President" nina Eric B. & Rakim, na pinaparesan ng ikonikong grubo sa patambuling produksiyon na pinaghalo ang mga elemento ng new jack swing, soul at pop.[11] Kumpiyansang umaandap ang hip hop soul na awitin habang ipinahahayag ni Carey ang kanyang pagkahumaling sa isang taong maaaring magdulot ng problema, ngunit siya ang uri ng problema na handa niyang yakapin.[12][10][13][14]

Sa mga liriko, binabanggit ng kanta na wala nang oras si Carey para sa 'inggitera' o sa 'kaek-ekan'. Inilalarawan din ang pakiramdam niyang kailangan niya ng isang partikular na uri ng kapareha na kayang makipagsabayan sa kanya, posibleng isang taong may mapanganib na dating.[15]

Bidyong pangmusika

Idinirek ang bidyong pangmusika ng kanta ni Joseph Kahn at nakatakdang ipalabas noong Hunyo 13.[16][17] Bago ang paglalabas, inihayag ni Kahn ang isang "sorpresang makabagbag-lupa" sa bidyo.[18] Kalaunan, naantala ito ng isang araw para sa layuning pang-edit at inilabas noong Hunyo 14.[19]

Itinatampok sa bidyo si Carey na “dumaraan sa sunod-sunod na mga batselor at tinatanggihan sila isa-isa” sa pitong magkakaibang eksena, at may tampok na paglabas ang Amerikanong YouTuber na si MrBeast.[19] Tinatanggihan ni Carey ang mga iba't ibang "tipo" ng lalaki kabilang sina G. Manlalaro (Mr. Player), G. Delikado (Mr. Danger), G. Taksil (Mr. Traitor), G. Karerista (Mr. Racer), G. Tagatulak (Mr. Dealer), at Mr. Beast, at pinapawala niya silang lahat.[20] Naglalaman ang bidyo ng CGI at mga eksenang aksiyon, at tampok din dito ang mga marangyang elektronikong sasakyan ng Faraday Future.[21]

Mga pagtatanghal

Noong Hunyo 9, 2025, unang itinanghal ni Carey ang "Type Dangerous" sa BET Awards 2025 bilang bahagi ng isang medli kasama ang "It's Like That". Kasama niya sa entablado sina Rakim (na ang kanta na "Eric B. Is President" ay ginamit bilang sampol sa track) at Anderson .Paak na tumugtog ng tambol.[22] Isinama rin ang "Type Dangerous" sa set ni Carey sa Summertime Ball ng Capital sa Istadyum ng Wembley noong Hunyo 15, 2025.[23]

Komersiyal na pagtamo

Sa Estados Unidos, nagdebu ang "Type Dangerous" sa ika-95 puwesto sa Billboard Hot 100, at naging ika-50 kanta ni Carey sa nasabing tsart. Ito rin ang unang bago niyang entrada mula sa remix ng "Oh Santa!" kasama sina Jennifer Hudson at Ariana Grande noong 2020, ang una niyang di-pampaskong entrada mula sa "I Don't" kasama si YG noong 2017, at unang solong single niya sa loob ng sampung taon mula sa "Infinity" noong 2015. Umabot din ang awitin sa ika-24 puwesto sa tsart ng US Hot R&B/Hip-Hop Songs.[24]

Ang "Type Dangerous" ay naging pinakamatagumpay na single ni Carey sa mga istasyon ng radyo sa Amerika sa loob ng mahigit isang dekada. Ito ang kanyang kantang may pinakamataas na puwesto sa hot adult contemporary format mula noong 'We Belong Together' noong 2005,[25] sa tsart ng R&B/Hip-Hop Airplay mula noong 'Touch My Body' noong 2008,[26] at sa rhythmic contemporary at pop radio simula noong '#Beautiful' noong 2013.[27][25][28]

Talaan ng mga track

  • The Remixes – EP[29]
  1. "Type Dangerous" (The Remix of the Gods; tampok sina Busta Rhymes, Redman at Method Man) – 3:46
  2. "Type Dangerous" (The Sean Don Remix; tampok si Big Sean) – 2:56
  3. "Type Dangerous" (The Touch The Soul of the People Remix; tampok si DJ Snake) – 3:25
  4. "Type Dangerous" (The Brazil Funk Remix; tampok si Luísa Sonza) – 2:26

Mga tsart

"Type Dangerous" sa mga Tsart ng Musika
Tsart (2025) Pinakamataas na puwesto
Australia Digital Tracks (ARIA)[30] 4
Costa Rica Anglo Airplay (Monitor Latino)[31] 15
Japan Hot Overseas (Billboard Japan)[32] 12
Lithuania Airplay (TopHit)[33] 49
New Zealand Hot Singles (RMNZ)[34] 15
South Korea BGM (Circle)[35] 139
UK Singles Sales (OCC)[36] 9
US Billboard Hot 100[37] 95
US Adult Pop Airplay (Billboard)[25] 22
US Hot R&B/Hip-Hop Songs (Billboard)[38] 24
US Pop Airplay (Billboard)[28] 32
US R&B/Hip-Hop Airplay (Billboard)[26] 7
US Rhythmic (Billboard)[27] 20

Kasaysayan ng paglunsad

Kasaysayan ng paglunsad ng "Type Dangerous"
Rehiyon Petsa Pormat Label Sang.
Iba't iba Hunyo 6, 2025
  • Digital download
  • streaming
Gamma [39]
Estados Unidos Contemporary hit radio [40]

Mga sanggunian

  1. Wang, Steffanee (Hunyo 2, 2025). "What's Mariah Carey teasing?" [Ano'ng ipinapahiwatig ni Mariah Carey?]. The Fader (sa wikang Ingles). New York. ISSN 1533-5194. Nakuha noong Hunyo 6, 2025.
  2. Zemler, Emily (Hunyo 6, 2025). "Mariah Carey Returns with Fiery Single 'Type Dangerous'" [Nagbabalik si Mariah Carey na may Napakainit na Single na 'Type Dangerous']. Rolling Stone (sa wikang Ingles). Penske Media Corporation. ISSN 0035-791X. OCLC 969027590. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 6, 2025. Nakuha noong Hunyo 6, 2025.
  3. Dailey, Hannah (Hunyo 3, 2025). "Mariah Carey Seemingly Teases New Album, With Single Possibly Coming Really Soon" [Mukhang Nagpapahiwatig si Mariah Carey ng Bagong Album, Na May Single na Posibleng Paparating Na]. Billboard (sa wikang Ingles). United States: Penske Media Corporation. ISSN 0006-2510. OCLC 732913734. Nakuha noong Hunyo 6, 2025.
  4. Dresdale, Andrea (Hunyo 6, 2025). "Mariah Carey releases new single 'Type Dangerous,' confirms 16th album is coming" [Mariah Carey, nagpalabas ng bagong single na 'Type Dangerous,' nagkumpirmang may darating na ika-16 na album] (sa wikang Ingles). ABC News. Nakuha noong Hunyo 7, 2025.
  5. Strauss, Matthew (Hunyo 6, 2025). "Carey's first original solo track since 2019 samples Eric B. & Rakim's "Eric B. Is President"" [Ang unang solong kanta ni Carey mula noong 2019, sinasampol ang "Eric B. Is President ni Eric B. & Rakim]. Pitchfork (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hunyo 6, 2025.
  6. Dailey, Hannah (Hunyo 6, 2025). "Mariah Carey Makes a 'Dangerous' Comeback With First New Song in Years: Stream It Now" [Mapanganib’ na Pagbabalik ni Mariah Carey sa Unang Bagong Kanta sa Loob ng Ilang Taon: I-stream Ito Ngayon]. Billboard (sa wikang Ingles). Estados Unidos: Penske Media Corporation. ISSN 0006-2510. OCLC 732913734. Nakuha noong Hunyo 6, 2025.
  7. Renshaw, David (Hunyo 6, 2025). "Mariah Carey samples Erik B. and Rakim on "Type Dangerous"" [Erik B. at Rakim, sinampol ni Mariah Carey sa "Type Dangerous"]. The Fader (sa wikang Ingles). New York. ISSN 1533-5194. Nakuha noong Hunyo 6, 2025.
  8. Rowley, Glenn (Mayo 30, 2025). "Mariah Carey's 'The Emancipation of Mimi': All 18 Original Tracks Ranked for Its 20th Anniversary (Staff Picks)" ['The Emancipation of Mimi' ni Mariah Carey: Lahat ng 18 Orihinal na Track, Niranggo para sa Ika-20 Anibersaryo Nito (Mga Pinili ng Staff)]. Billboard (sa wikang Ingles). Estados Unidos: Penske Media Corporation. ISSN 0006-2510. OCLC 732913734. Nakuha noong Hunyo 6, 2025.
  9. Dailey, Hannah (Hunyo 4, 2025). "Mariah Carey Is 'Looking for the Dangerous Type' on First New Single in Years: Here's When It Arrives" [Mariah Carey, ‘Naghahanap ng Mapanganib na Tipo’ sa Unang Bagong Single sa Ilang Taon: Heto Kung Kailan Ito Ilalabas]. Billboard (sa wikang Ingles). Estados Unidos: Penske Media Corporation. ISSN 0006-2510. OCLC 732913734. Nakuha noong Hunyo 6, 2025.
  10. 10.0 10.1 Chelosky, Danielle (Hunyo 6, 2025). "Mariah Carey – "Type Dangerous"". Stereogum (sa wikang Ingles). OCLC 1142733705. Nakuha noong Hunyo 6, 2025.
  11. Stickler, Jon (Hunyo 6, 2025). "Mariah Carey Returns With New Single Type Dangerous" [Bumabalik si Mariah Carey na May Bagong Single Type Dangerous]. Stereoboard (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hunyo 6, 2025.
  12. Samuels, Keithan (Hunyo 6, 2025). "Mariah Carey Returns With New Single 'Type Dangerous'" [Nagbabalik si Mariah Carey na May Bagong Single na 'Type Dangerous']. Rated R&B (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hunyo 6, 2025.
  13. Singh, Surej (Hunyo 6, 2025). "Mariah Carey teases new album with fiery new single 'Type Dangerous'" [Mariah Carey, nagbigay-pasilip ng kanyang bagong album sa kanyang mapanabik na bagong single na 'Type Dangerous']. NME (sa wikang Ingles). Reyno Unido. ISSN 0028-6362. Nakuha noong Hunyo 6, 2025.
  14. Keates, Emma (Hunyo 6, 2025). "After 6 years, Mariah Carey's music left the North Pole" [Pagkatapos ng 6 na taon, umalis sa Hilagang Polo ang musika ni Mariah Carey]. The A.V. Club (sa wikang Ingles). Paste Media Group. Nakuha noong Hunyo 7, 2025.
  15. Hedden, Chris (Hunyo 11, 2025). "Mariah Carey Is Back: The Songbird Supreme's New Single, "Type Dangerous," Lyrics & Meaning Explained" [Bumalik na si Mariah Carey: Ang Bagong Single ng Songbird Supreme, "Type Dangerous," Ipinaliwanag ang Liriko & Kahulugan]. Screen Rant (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hunyo 15, 2025.
  16. Dresdale, Andrea (2025-06-10). "Mariah Carey releases new single 'Type Dangerous,' confirms 16th album is coming" [Mariah Carey, naglabas ng bagong single na 'Type Dangerous', nagkumpirma na na darating ang ika-16 na album]. ABC News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-06-10.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  17. Saulog, Gabriel (2025-06-10). "Mariah Carey Drops New Single "Type Dangerous" – Listen" [Mariah Carey, Nag-drop ng Bagong Single na "Type Dangerous" – Pakinggan]. Billboard Philippines (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-06-10.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  18. BANG Showbiz (2025-06-12). "'Brace yourselves': Mariah Carey's Type Dangerous video includes 'earth shattering surprise'" ['Humanda kayo': Bidyo ng Type Dangerous ni Mariah Carey, may 'sorpresang makabagbag-lupa']. Yahoo! News UK (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-06-13.
  19. 19.0 19.1 Camp, Alexa (Hunyo 14, 2025). "Mariah Carey Can Make Men Disappear in Music Video for "Type Dangerous"" [Pinapawala ni Mariah Carey ang mga Lalaki sa Bidyo ng "Type Dangerous'"]. Slant (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hunyo 15, 2025.
  20. "Mariah Carey makes MrBeast disappear in surprise 'Type Dangerous' video cameo" [Pinawala ni Mariah Carey si MrBeast sa sorpresang kameo sa bidyo ng 'Type Dangerous']. The Express Tribune (sa wikang Ingles). Hunyo 15, 2025. Nakuha noong Hunyo 15, 2025.
  21. Gorgan, Elena (Hunyo 15, 2025). "Mariah Carey Drops New Video, Unleashes the Diva in Two Faraday Future Rides" [Mariah Carey, Nag-drop ng Bagong Bidyo, Pinakawalan ang Diva sa Dalawang Sasakyan ng Faraday Future]. Auto Evolution. Nakuha noong Hunyo 15, 2025.
  22. Irvin, Jack (Hunyo 9, 2025). "BET Awards 2025 Live Updates: Mariah Carey Debuts New Song with Anderson .Paak on Drums" [Mga Live Update sa BET Awards 2025: Mariah Carey, Nagdebu ng Bagong Kanta kasama si Anderson .Paak sa Tambol]. People (sa wikang Ingles). Estados Unidos: Dotdash Meredith. ISSN 0093-7673. OCLC 794712888. Nakuha noong Hunyo 9, 2025.
  23. Prance, Sam. (2025, Hunyo 15). Mariah Carey's legendary Capital's Summertime Ball setlist in order (sa wikang Ingles). Capital. Nakuha noong Hunyo 16, 2025.
  24. Trust, Gary (Hunyo 16, 2025). "Mariah Carey Earns Her Milestone 50th Billboard Hot 100 Hit With 'Type Dangerous'" [Mariah Carey, Naabot ang Kanyang Ika-50 Milyahe sa Billboard Hot 100 sa pamamagitan ng 'Type Dangerous]. Billboard (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hunyo 16, 2025.
  25. 25.0 25.1 25.2 "Mariah Carey Chart History (Adult Pop Songs)". Billboard. Nakuha noong Hunyo 28, 2025.
  26. 26.0 26.1 "Mariah Carey Chart History (R&B/Hip-Hop Airplay)". Billboard. Nakuha noong Hunyo 13, 2025.
  27. 27.0 27.1 "Mariah Carey Chart History (Rhythmic)". Billboard. Nakuha noong Hulyo 13, 2025.
  28. 28.0 28.1 "Mariah Carey Chart History (Pop Songs)". Billboard. Nakuha noong Hulyo 5, 2025.
  29. Kaufman, Gil (Hulyo 11, 2025). "Mariah Carey Drops Surprise 'Type Dangerous' Remix EP Featuring Collabs With Big Sean, DJ Snake, Method Man & More" [Mariah Carey, Naglabas ng Sorpresang Remix EP ng 'Type Dangerous' na May Mga Kolab Kasama Sina Big Sean, DJ Snake, Method Man & Iba Pa]. Billboard (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hulyo 11, 2025.
  30. "The ARIA Report: Week Commencing 16 June 2025". The ARIA Report. Blg. 1841. Australian Recording Industry Association. Hunyo 16, 2025. p. 9.
  31. "Top 20 Costa Rica – Anglo – Del 30 de Junio al 6 de Julio, 2025" [Top 20 Costa Rica – English – From 30 June to 6 July, 2025] (sa wikang Kastila). Monitor Latino. Hulyo 7, 2025. Nakuha noong Hulyo 13, 2025.
  32. "Billboard Japan Hot Overseas – Week of June 18, 2025". Billboard Japan (sa wikang Hapones). Nakuha noong Hunyo 18, 2025.
  33. "Top Radio Hits Lithuania Weekly Chart: Jul 18, 2025" (sa wikang Ingles). TopHit. Hulyo 18, 2025. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 18, 2025. Nakuha noong July 18, 2025.
  34. "Hot 40 Singles". Recorded Music NZ. Hunyo 13, 2025. Nakuha noong Hunyo 13, 2025.
  35. "BGM Chart – Week 24 of 2025" (sa wikang Koreano). Circle Chart. Nakuha noong Hunyo 25, 2025.
  36. "Official Singles Sales Chart Top 100". Official Charts Company. Nakuha noong June 13, 2025.
  37. "Mariah Carey Chart History (Hot 100)". Billboard. Nakuha noong Hunyo 17, 2025.
  38. "Mariah Carey Chart History (Hot R&B/Hip-Hop Songs)". Billboard. Nakuha noong Hunyo 17, 2025.
  39. "Type Dangerous - Single by Mariah Carey". Apple Music. June 6, 2025.
  40. "Hot New Releases". Hits. United States. June 6, 2025. OCLC 15994494. Inarkibo mula sa orihinal noong June 11, 2025. Nakuha noong June 11, 2025.

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.