Ang Apple Music ay isang serbisyo ng pag-iistream ng odyo at bidyo na binuo ng Apple Inc. Maaaring pumili ang mga tagagamit ng musikang nais nilang pakinggan sa
| Tagabuo | Apple Inc. |
|---|---|
| Mga pangunahing tao |
|
| Petsa ng paglulunsad | 30 Hunyo 2015 |
| Modelo ng pagpepresyo | Pang-estudyante: US$5.99/buwan Pang-indibidwal: US$10.99/buwan[a] Pampamilya: US$16.99/buwan |
| Saklaw ng serbisyo | 167 bansa; malawak na magagamit sa Kaamerikahan, Europa, Asya, at Oseaniya, at sa mga bahagi ng Aprika at Gitnang Silangan |
| Websayt |
|
Ang Apple Music ay isang serbisyo ng pag-iistream ng odyo at bidyo na binuo ng Apple Inc. Maaaring pumili ang mga tagagamit ng musikang nais nilang pakinggan sa tuwing nanaisin nila, o makinig sa mga handang playlist. Kasama rin sa serbisyo ang mga kapatid nitong estasyon ng radyo sa internet na Apple Music 1, Apple Music Hits, Apple Music Country, Apple Música Uno, Apple Music Club, at Apple Music Chill, na ibinobrodkast nang live sa mahigit 200 bansa, 24 oras sa isang araw. Inanunsyo ang serbisyo noong Hunyo 8, 2015, at inilunsad noong Hunyo 30, 2015. Nakakakuha ang mga bagong subscriber ng isang buwang libre, o anim na buwang libreng pagsubok kapag bumili ng piling produkto, bago kailanganin ang buwanang subscription para magpatuloy sa serbisyo.
Pinapayagan ng Apple Music ang mga tagagamit na mag-stream ng mahigit 100 milyong kanta sa kanilang device anumang oras. Nag-aalok ang serbisyo ng mga playlist na inihanda ng mga dalubhasa sa musika at mga rekomendasyong iniakma sa panlasa ng bawat tagagamit.[1] Mayroon din itong anim na live na estasyon ng radyo na tumatakbo 24 oras bawat araw: Apple Music 1 (dating kilala bilang Beats 1) na pinangungunahan ni DJ Zane Lowe, Apple Music Hits, Apple Music Country, Apple Música Uno, Apple Music Club, at Apple Music Chill, na ibinobrodkast sa mahigit 100 bansa.[2][3]
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.