Siva

Si Shiva o Siva: (pagbaybay sa Ingles: [ʃɪ.ʋə]; Sanskrit: शिव, Śiva, litireal na "ang mapalad" o "ang ospisyoso") ay isang mahalagang diyos ng Hindu

Siva
Para sa monotipikong sari na "Siva", silipin ang Siva cyanouroptera.
Isang istatwa ni Siva na malapit sa Pandaigdigang Paliparang Indira Gandhi, Delhi, India.

Si Shiva o Siva: (pagbaybay sa Ingles: [ʃɪ.ʋə]; Sanskrit: शिव, Śiva, litireal na "ang mapalad" o "ang ospisyoso") ay isang mahalagang diyos ng Hindu at isang aspeto ng Trimurti, o Trinidád (magkaiba sa konsepto ng Santatlo ng Kristiyanismo). Sa tradisyong Shaiva ng Hinduismo, si Siva ang kinikilalang kataas-taasang diyos. Sa tradisyong Smarta, isa siya sa limang Pangunahing Anyo ng Diyos.[1][2]

Ang mga tagasunód ng Hinduismo na sumasamba kay Siva ay tinatawag na mga Shaivite o Shaiva (Sanskrit Śaiva).[3] Ang Shaivismo, kasama ng tradisyong Vaiṣṇava na nakatutok kay Vishnu, at tradisyong Śākta na nakapokus sa diyosang si Devī, ay ang tatlo sa pinakamaimpluwensiyang na denominasyon ng Hinduismo.[2]

Sinasamba rin si Siva sa anyo ng Siva linga. Sa mga larawan, siya ay pinapakitang nagninilay-nilay o sa kaniyang kaanyuan bilang Nataraja, ang "Panginoon ng Sayáw" na iniindák ang Tandava sa ibabaw ni Maya, ang demonyo ng kamangmangan.

Sa ibang denominasyon ng Hinduismo, si Brahma, Vishnu, at Siva ang kumakatawan sa tatlong pangunahing aspeto ng kabanalan sa Hinduismo at magkakasamang tinatawag na Trimurti. Sa paniniwalang ito si Brahma ang Tagapagkliha, si Vishnu ang Tagapangalaga at si Siva ang Tagapagwasak o kaya'y Tagabago.[4]

Mga sanggunian

  1. "Hindu Dharma". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-03-13. Nakuha noong 2009-03-02.
  2. 2.0 2.1 Flood (1996), p. 17.
  3. Tattwananda, p. 45.
  4. Zimmer (1972) p. 124.

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.