Si Vishnu (honoripiko: Bhagavan Vishnu) ay ang Supremong Diyos sa tradisyong Vaishnavite Hinduismo. Ang mga Smartang tagasunod ng Adi Shankara, gaya ng iba, ay
Si Vishnu (honoripiko: Bhagavan Vishnu) ay ang Supremong Diyos sa tradisyong Vaishnavite Hinduismo. Ang mga Smartang tagasunod ng Adi Shankara, gaya ng iba, ay sinasamba si Vishnu bilang isa sa mga limang pangunahing anyo ng Diyos,[1] at ang kanyang katayuang supremo ay sinasabi sa mga sagradong tekstong Hindu gaya ng Yajurveda, Rigveda at ang Bhagavad Gita.[2][3][4][5][6]
Ang Vishnu Sahasranama[7] ay nagsasabi na si Vishnu ang Paramatma (supremong kaluluwa) at Parameshwara (supremong Diyos). Sinasabi rin nito na si Vishnu ang Kalahatlahatang essensiya ng lahat ng nilalang, ang maestro ng nakalipas, ngayon at kinabukasan, ang tagalikha at tagawasak ng lahat ng buhay, tagasuporta, tagapanatili at tagapamahala ng Sansinukob at pinangagagalingan at tagapagunlad ng lahat ng elementong napapaloob dito.
Sa Puranas, si Vishnu ay may banal na kulay ng ulap (madilim na bughaw), may apat na kamay na hawak ang lotus, mace, conch at chakra (gulong). Si Vishnu ay nilalarawan sa Bhagavad Gita na may 'Anyong Pangsansinukob' (Vishvarupa) na hindi kayang unawain ng mga tao.[8]
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.