Punong Ministro ng Pilipinas

Ang Punong Ministro ng Pilipinas ang pinuno ng pamahalaan ng Pilipinas. Ang posisyong ito ay umiral sa Pilipinas mula 1978 hanggang 1986. Ang Presidente del Consejos de Gobierno ng Pilipinas ay sinasabing isang limitadong bersiyon ng posisyong ito na temporaryong umiral noong 1899.

Saligang Batas ng Pilipinas ng 1973

Iminungkahi ang pagpapalit ng Saligang Batas ng Pilipinas ng 1935 sa kadahilanang binuo ito habang ang Pilipinas ay kolonya pa ng Estados Unidos at kaya ay gawa ng impluwensiyang Amerikano at hindi na napapanahon ang mga tadhana nito sa paglutas ng mga suliranin at pagtugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan. Pinagtibay ng Kongreso noong 24 Agosto 1970 ang Batas Republika Bilang 6132 na nanawagan para sa isang Kumbensiyong Konstitusyonal sa taong 1971 at ginanap noong 10 Nobyembre 1970 ang halalan ng 320 delegado sa Kumbensiyong Konstitusyonal. Ang Kumbensiyong Konstitusyonal ay nagtipun-tipon noong unang araw ng Hunyo 1971 ngunit bago matapos ang Kumbensiyon ay idineklara ni Marcos ang Batas Militar noong Setyembre 1972 at ipinabilanggo ang ilang mga delegadong laban kay Marcos. Noong Mayo 19, 1972, binunyag ng delegadong si Eduardo Quintero (na dating embahador ng Pilipinas sa United Nations mula sa Leyte) ang panunuhol ng ₱11,150 ng isang pangkat upang impluwensiyahan ang kanyang pagboto sa panukala sa Kumbensiyon ng nagbabawal sa muling pagtakbo sa halalan ng Pangulo at nagbabawal sa asawa ng pangulo na tumakbo bilang pangulo. Tinukoy ni Quintero na ang pangkat na nanuhol ay kinabibilangan ng 12 delegado mula sa Samar-Leyte kasama nina Imelda Marcos at Paz Mate na asawa ni Rep. Artemio Mate ng Leyte.

Nagpalabas si Marcos ng Kautusuan pamapanguluhan 73 noong 30 Nobyembre 1972 na nagtatakda ng plebisito na idadaos sa 15 Enero 1973 upang pagbotohan ang iminungkahing Saligang Batas. Nagpalabas si Marcos ng isang kautusang pampanguluhan 86 na lumilikha sa bawat baryo ng mga munisipyo o bayan at sa bawat distrito sa mga lungsod ng mga Asembleya ng mga mamamayan o Citizen Assemblies upang palakihin ang saligan ng paglahok ng mga mamamayan sa isang pamamaraang demokratiko. Noong Enero 10–15, 1973, pinagtibay ng mga Asembleya ang Saligang Batas. Nagkabisa ang bagong saligang Batas noong 17 Enero 1973 sa pamamagitan ng Proklamasyon Bilang 1102 ni Marcos na may botong pabor na 14,976,561 at botong pagtutol na 743,869. Ang balidad ng pagpapatibay ng 1973 Saligang Batas ay tinutulan sa ilang mga kasong isinampa sa Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas. Kabilang sa mga puntong itinaas laban sa balidad ng pagpapatibay nito ang: ang pagboto ay sa pamamagitan ng bibig samantalang ang artikulo 15 ng Saligang Batas ay nag-aatas ng pagboto, ang mga bilang ng pagboto na binanggit sa proklamasyon 1102 ay nilikha nina Benjamin Romualdez samantalang ang mga komisyoner ng COMELEC na tumangging lumahok sa proseso ng pandaraya ay pinaalis, at walang malayang ekspresyon ang mga tao dahil sa klima ng takot na nalikha ng Batas Militar. Ang petisyong kumukwestiyon sa balidad nito ay ibinasura ng Kataas-taasang Hukuman sa botong 6-4.[1]

Ang balangkas ng mungkahing bagong Saligang Batas ay pinagtibay noong 29 Nobyembre 1972. Kabilang sa mga tadhana ng binuong Saligang Batas ang pagpapalit ng sistema ng pamahalaan mula sa pampanguluhan (presidential) patungo sa parlamentaryan kung saan ang Pangulo ang siyang kakatawan sa pamumuno ng estado, ang isang Punong Ministrong inihalal ng Pambansang Asembleya ang gaganap ng kapangyarihang pampamahalaan kasama ng kanyang Gabinete, at ang isang Pambansang Asembleya na binubuo ng isang kapulungan (unicameral) ang may kapangyarihan sa paggawa ng batas.

Ayon sa mga probisyong paglipat ng Saligang Batas, dapat tipunin agad ni Marcos ang Interim Pambansang Asemblea sa pagpapatibay ng 1973 Saligang Batas at ang Asembleang ito ay dapat namang humirang ng interim Pangulo at interim Punong Ministro. Gayunpaman, ito ay hindi ginawa ni Marcos at sinuspinde ni Marcos ang pagpapatupad ng 1973 Saligang Batas sa kadahilanang may panahon ng emerhensiya at kinailangan niyang ipagpatuloy ang Batas Militar.[1] Sa halip, si Marcos ay nagmungkahi ng mga amiyenda sa isang reperendum noong 16 Oktubre 1976 na pinagtibay noong 1976 na kinabibilangan ng mga tadhanang: paghalili ng Interim Batasang Pambansa para sa Interim Pambansang Asemblea, na ang kasalukuyang Pangulo ay magpapatuloy na magsanay ng mga kapangyarihan sa ilalim ng 1935 Saligang Batas at ng lahat ng mga kapangyarihang ipinagkaloob sa Pangulo ng Pilipinas at Punong Ministro ng Pilipinas ng 1973 Saligang Batas, at ang Pangulo ay magpapatuloy na magsanay ng mga kapangyarihang paggawa ng batas hanggang sa iangat ang Batas Militar.

Tala ng mga naging Punong Ministro ng Pilipinas

# Pangalan
(Kapanganakan–Kamatayan)
Partido Nagsimula Nagtapos Pangulo Lehislatura Kapanahunan
1 Apolinario Mabini
(1864–1903)
Walang partido 2 Enero 1899 23 Enero 1899 Emilio Aguinaldo Kongreso ng Malolos Pamahalaang Mapanghimagsik
23 Enero 1899 7 Mayo 1899 Unang Republika
2 Pedro A. Paterno
(1857–1911)
8 Mayo 1899 13 Nobyembre 1899
Binuwag ang posisyon
14 Nobyembre 1899—12 Hunyo 1978
3 Ferdinand E. Marcos
(1917–1989)
KBL 12 Hunyo 1978 30 Hunyo 1981 Ferdinand E. Marcos Pansamantalang Batasang Pambansa Batas militar
4 Cesar E. A. Virata
(1930– )
28 Hulyo 1981 23 Hulyo 1984 Ika-apat na Republika
23 Hulyo 1984 23 Pebrero 1986 Regular na Batasang Pambansa
5 Salvador H. Laurel
(1928–2004)
UNIDO 25 Pebrero 1986 25 Marso 1986 Corazon C. Aquino
Wala
Kasalukuyang ginagamit ang sistemang presidensiyal; naglilingkod ang Pangulo bilang pinuno ng estado at ng pamahalaan sa bisa ng Saligang Batas ng Pilipinas ng 1987

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 The United States Constitution: Its Birth, Growth, and Influence in Asia, Joseph Barton Starr

Strategi Solo vs Squad di Free Fire: Cara Menang Mudah!