Ang pulsar (o pulsating star) ay isang uri ng bituing neutron na mabilis na umiikot at naglalabas ng mga bugso ng elektromagnetikong radiyasyon mula sa mga magn
Isang larawan ng hitsura ng isang pulsar.Isang ilustrasyon ng epekto ng "parola" na ginawa ng isang pulsar
Ang pulsar (o pulsating star) ay isang uri ng bituing neutron na mabilis na umiikot at naglalabas ng mga bugso ng elektromagnetikong radiyasyon mula sa mga magnetic na pol nito.[1][2][3][4] Habang umiikot ang pulsar, maaaring dumaan sa direksiyon ng Daigdig ang mga bugso ng mga radiyasyon, kaya nakikita ang mga ito bilang regular na pulso.[5][6]
Nabubuo ang mga pulsar mula sa labi ng isang malaking bituin na sumabog bilang supernoba.[2][7] Dahil napakaliit at napakasiksik ang bituing neutron, maaari itong umikot nang napakabilis.[8] Ang malakas nitong larangang magnetiko ay tumutulong sa paglikha ng mga bugso ng radyasyon.
Maaaring makita ang mga pulsar gamit ang mga teleskopyong nakakakita ng iba't ibang uri ng radyasyon, tulad ng mga alon ng radyo, X-ray, at sinag gamma.[6][9][10] Ang regular na pulso ng ilan sa mga ito ay maaaring gamitin ng mga astronomo bilang napakatumpak na orasan sa kalawakan.
Ang salitang pulsar ay nagmula sa pinagsamang salitang "pulse (pulso)" at "star (bituin)".[14] Sa madaling salita, ang isang pulsar ay gumaganap bilang isang parola sa kalawakan at kumukurap habang ito ay umiikot.[5]
Mga halimbawa ng mga kilalang pulsars
Ang mga pulsar ay pinangalanan gamit ang mga koordinasyon sa kalangitan na nagpapakita ng kanilang eksaktong lokasyon. Ang kanilang pormal na mga pangalan ay nagsisimula sa "PSR" (na nangangahulugang "pulsar") na sinusundan ng mga numero para sa kanilang posisyon sa kalangitan.[15] Narito ang ilang halimbawa ng mga kilalang pulsar:
PSR B1919+21 - Dating tinawag na LGM-1, ito ang unang radyong pulsar na natuklasan noong Nobyembre 1967.[11][12]
Lich (PSR B1257+12) - Ang unang pulsar na natuklasan na umiikot sa mga unang eksoplaneta.[16]
Pulsar ng Vela o Vela Pulsar (PSR B0833-45) - Isang pulsar na may pinakamalakas na patuloy na pinagmumulan ng mataas na enerhiyang radyasyong gamma sa kalangitan.[18][19][20]
PSR B0943+10 - Isang pulsar na natuklasan ng mga siyentipikong Sobyet noong Disyembre 1968, at kilala ito sa paglipat sa pagitan ng paraan ng paglabas ng mga radyasyong radyo at X-ray.[21]
PSR J0348+0432 - Isang pulsar na ipinares sa isang puting unano bilang kasamang bituin, na bumubuo bilang isang sistemang bituing binaryo.[22][23][24]
PSR J0737-3039 - Ang kauna-unahan at pinakatanyag na sistemang kambal na pulsar na natuklasan.[25][26][27]
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.
The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.