Mayari

Si Mayari ay isa sa mga maraming diyos at diyosa ng buwan sa mitolohiyang Pilipino. Pinakakilalang diyosa ng buwan;[1] Maraming diyos at diyosa ng buwan

Mayari

Si Mayari ay isa sa mga maraming diyos at diyosa ng buwan sa mitolohiyang Pilipino. Pinakakilalang diyosa ng buwan;[1] Maraming diyos at diyosa ng buwan sa Pilipinas dahil sa pagkakaiba-iba ng mga pangkat etnolingguwistiko at sa mayamang pinagsasaluhang paniniwala bago dumating ang mga kolonisador. Sa mitolohiyang Kapampangan, si Mayari ang diyosa ng buwan at tagapamahala ng mundo tuwing gabi. [2] minsan inilalarawan na may isang mata lamang;[3] pinuno ng mundo tuwing gabi at anak ni Bathala[4]

Sa Mitolohiya ng mga Kapangpangan

Sa mitolohiyang Kapampangan, si Bathalaang lumikha ng daigdig ay namatay nang hindi nag-iwan ng habilin. Ang kaniyang mga anak na sina Apolaki at Mayari ay nagkaroon ng pagtatalo, dahil kapwa nila nais na pamunuan ang mundo nang nag-iisa. Nakipaglaban sila gamit ang kawayan (Zabbors), palitan ng hampas hanggang sa tuluyang tamaan ni Apolaki si Mayari sa mukha, dahilan upang mabulag siya sa isang mata. Nang makita ni Apolaki ang sinapit ng kaniyang kapatid, naawa siya rito at pumayag na pamunuan nilang dalawa ang daigdig ngunit sa magkaibang oras. Gayunman, mas mahina ang liwanag ni Mayari kaysa kay Apolaki dahil sa pagkawala ng isa niyang mata.

Sa Mitolohiya ng Zambales

Sa mitolohiyang Sambal, si Malayari na kapangalan at madalas iugnay kay Mayari ang pangunahing diyos ng mga Sambal na nakatira sa Zambales. Siya ang lumikha ng lahat ng bagay at makapangyarihang tagapamahala ng buhay at kamatayan. Si Malayari ay maawain at mapagmahal na diyos nagpapadala ng ulan, kalusugan, kayamanan, at kasaganaan sa mga karapat-dapat, ngunit nagpaparusa naman sa mga lumalabag at hindi sumusunod sa kaniyang mga utos.[4]

Sa mitolohiya ng Sambal

  1. Calderon, S. G. (1947). Mga alamat ng Pilipinas. Manila : M. Colcol & Co.
  2. Daniélou, Alain (1991). The myths and gods of India: the classic work on Hindu polytheism from the Princeton Bollingen series. Rochester, Vt. : [s.l.]: Inner Traditions International ; Distributed to the book trade in the U.S. by American International Distribution Corp. ISBN 978-0-89281-354-4.
  3. Jocano, F. L. (1969). Philippine Mythology. Quezon City: Capitol Publishing House Inc.
  4. 4.0 4.1 Ramos, M. (1990). Philippine Myths, Legends, and Folktales. CreateSpace Independent Publishing Platform


Mga sanggunian

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.