Si Mariz Ricketts o mas simpleng kilala bilang Mariz ay isang artista, mang-aawit, punong-abala sa telebisyon at prodyuser ng pelikula mula sa Pilipinas.
Mariz Ricketts | |
|---|---|
| Kapanganakan | |
| Trabaho | Artista, mang-aawit, punong-abala sa telebisyon |
| Aktibong taon | 1989–kasalukuyan |
| Asawa | Ronnie Ricketts (k. 1993) |
Si Mariz Ricketts o mas simpleng kilala bilang Mariz ay isang artista, mang-aawit, punong-abala sa telebisyon at prodyuser ng pelikula mula sa Pilipinas.
Si Mariz ay isang mang-aawit at inawit niya ang temang awitin ng pelikulang Ang Lihim Ng Golden Buddha (1989). Naging tanyag siyang mang-aawit at inawit niya ang awitin tulad ng Kasalanan Ba?, Iyong-Iyo and Paano Pa Kita Malilimutan? Naging prodyuser din siya ng pelikulang aksyon sa ilalim ng Rockets Productions, kasama ang kanyang asawang si Ronnie Ricketts.
Naging kasamang punong-abala din siya sa telebisyon kasama si German Moreno sa programa sa telebisyon na Walang Tulugan with the Master Showman. Lumabas din siya sa mga seryng pantelebisyon ng GMA tulad ng Dapat Ka Bang Mahalin? kasama ang magkatambal sa pag-ibig na sina Kris Bernal at Aljur Abrenica. Ginampanan ni Mariz ang pagiging ina ni Bernal.
Kinasal si Mariz sa artista rin na si Ronnie Ricketts noong Disyembre 18, 1993. Nagkaroon sila ng dalawang anak na babae, sina, Marella at Marie.[1] Naipakilala si Marella Ricketts sa pelikulang The Fighting Chefs.
{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.