Ang Valiente (Kastila para sa "magiting", kilala din sa internasyunal na titulo bilang Brave) ay isang palatuntunang dula na pangtelebisyong nula sa Pilipinas n
| Valiente | |
|---|---|
| Kilala rin bilang | Brave |
| Isinulat ni/nina | Gina Marissa Tagasa |
| Direktor | Herman Escueta Jose Rowel Icamen |
| Pinangungunahan ni/nina | Tirso Cruz III Michael de Mesa |
| Pambungad na tema | "Valiente" ni Vic Sotto |
| Bansang pinagmulan | Pilipinas |
| Wika | Tagalog |
| Paggawa | |
| Prodyuser tagapagpaganap | Grace Castro-Esquillon |
| Prodyuser | Antonio Tuviera |
| Oras ng pagpapalabas | 30 minuto (Lunes hanggang Biyernes) |
| Kompanya | TAPE Inc. |
| Pagsasahimpapawid | |
| Himpilan | ABS-CBN (1992-95) GMA Network (1995-97) |
| Release | 10 Pebrero 1992 – 12 Setyembre 1997 |
| Kaugnay na palabas | |
| Valiente (2012) | |
Ang Valiente (Kastila para sa "magiting", kilala din sa internasyunal na titulo bilang Brave) ay isang palatuntunang dula na pangtelebisyong nula sa Pilipinas na ginawa ng Television And Production Exponents Inc. (TAPE) na unang napanood sa ABS-CBN noong 1992 tuwing Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Eat Bulaga! sa ganap na 1:30 ng hapon. Ang serye ay pinangunahan ng mga batikang Pilipinong aktor na sina Tirso Cruz III at Michael de Mesa samantalang inawit ni Vic Sotto ang temang awitin. Kasamang lumipat ng Eat Bulaga! ang Valiente sa GMA Network noong 1995. Tumagal ang serye sa GMA Network hanggang 1997.
Tungkol ang serye sa dalawang matalik na magkaibigang sina Theo Braganza at Gardo Valiente, na taliwas ang kanilang mga buhay. Si Theo ay ipinanganak na mayaman na magmamana ng isang hacienda samantalang si Gardo naman ay mahirap at makikitang susunod sa yapak ng kanyang ama na manggagawa sa hacienda ng pamilya ni Theo.
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.