Sa mitolohiyang Pilipino[1] at panitikang Pilipino,[2] ang maligno ay mga espiritu o halimaw na namamalagi sa mga lugar o tao at may kakayahang
|
|
Sa mitolohiyang Pilipino[1] at panitikang Pilipino,[2] ang maligno ay mga espiritu o halimaw na namamalagi sa mga lugar o tao at may kakayahang magbalat-kayo bilang karaniwang tao.[3] Kadalasan din na pinupuntirya ng isang maligno ang isang partikular na tao na kanilang gusto at sasaktan. Ang paniniwalang Pilipino na na "namaligno" ay nangangahulugan na nagkasakit ang isang tao dulot ng isang maligno na pinapahirapan ang indibiduwal, o kaya'y nagkasakit dahil sa supernatural na entidad o dahil sa mahika.[3][4] Halimbawa, sinisi sa mga maligno ang pagkamatay dulot ng Sudden Unexpected Nocturnal Death Syndrome o mas kilala bilang bangungot.[3][4]
Hinango ang katawagang "maligno" sa Kastilang salita na maligno na nangangahulugang "malisyoso" o "mapagpahamak."[5]
{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
{{cite web}}: |last= has generic name ()
{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.