Mula noong dekada-1960, ang "Silangang Asya" ay naging pinakakaraniwang tawag sa rehiyon sa pandaigdigang mga outlet ng midyang pangmasa.[3][4]
Pagkakatanyag ng termino
Bago ang panahong kolonyal, tumutukoy ang "Malayong Silangan" sa alinman lugar sa silangan ng Gitnang Silangan. Noong ika-16 na dantaon, tinawag ni Haring Juan III ng Portugal ang India na isang "mayaman at nakapupukaw na bansa sa Malayong Silangan[5] (Extremo Oriente)." Pinatanyag ang salita noong panahon ng Imperyong Britaniko bilang pangkalahatang termino para sa mga lupain sa silangan ng Britanikong India.
Kapuna-punang pumupukaw ang termino sa pangkalinangan at pangheograpiya na paghihiwalay; hindi lamang malayo ang "Malayong Silangan" ayon sa heograpiya, kung hindi eksotiko ito ayon sa kalinangan. Bilang halimbawa, hindi nito tinutukoy ang makakanluraning bansa ng Australya at New Zealand na mas malayo pa sa Silangang Asya sa silangan ng Europa. Malinaw na inilarawan ni Robert Menzies, isang Punong Ministro ng Australya, ang pinaghalong pangkuktura at pangheograpiyang subdyektibidad na ito. Habang pinagmumuni-muni ang mga kapakanang pangheopolitika ng kaniyang bansa kalakip ng pagsisimula ng digmaan, nagkomento siya na (isinalin sa Tagalog/Filipino):
Iba ang mga suliranin sa Pasipiko. Kung anong tinatawag na Malayong Silangan ng Gran Britanya ay Malapit na Hilaga para sa amin.[6]
Tungkol naman sa termino, sinulat nina John K. Fairbank at Edwin O. Reischauer, mga propesor ng East Asian Studies sa Unibersidad ng Harvard, sa aklat na East Asia: The Great Tradition na (sa Tagalog/Filipino):
Nang lumakbay ang mga Europeo sa dakong silangan upang maabot ang Cathay, Hapon at Kaindiyahan, likas nilang binigyan ng pangkalahatang pangalan na 'Far East' ang mga malalayong rehiyon na iyon. Maari sanang tinawag ng mga Amerikanong lumayang patungong Tsina, Hapon at Timog-silangang Asya sa pamamagitan ng Pasipiko ang lugar na iyon na 'Malayong Kanluran,' dahil na rin sa magkatulad na lohika. Ngunit para sa mamamayang nakatira sa bahaging iyon ng mundo, hindi ito 'Silangan' o 'Kanluran' at siguradong hindi 'Malayo.' Ang pangkalahatang mas katanggap-tanggap na termino para sa lugar ay 'Silangang Asya,' na tiyak ayon sa heograpiya at hindi ipinahihiwatig ang lipás nang ideya na ang Europa ay ang sentro ng sibilisadong mundo."[4][7]
"When Europeans traveled far to the east to reach Cathay, Japan and the Indies, they naturally gave those distant regions the general name 'Far East.' Americans who reached China, Japan and Southeast Asia by sail and steam across the Pacific could, with equal logic, have called that area the 'Far West.' For the people who live in that part of the world, however, it is neither 'East' nor 'West' and certainly not 'Far.' A more generally acceptable term for the area is 'East Asia,' which is geographically more precise and does not imply the outdated notion that Europe is the center of the civilized world."
↑ Pangkalahatang itinuturing na bansang transkontinental ang Rusya, sa Silangang Europa (rehiyon ng UN) at Hilagang Asya; ang mga bilang ng populasyon at lawak ay para lamang sa bahaging Asyano.
↑ Ang Hong Kong ay isang Natatanging Rehiyong Pampangasiwaan ng Republikang Bayan ng Tsina
↑Walang tiyak na kaurian ng Tsino ay opisyal sa teritoryo. Karaniwang nagsasalita ang mga residente ng Kantones, ang de facto na pamantayang panrehiyon.
↑ Ang Macau ay isang Natatanging Rehiyong Pampangasiwaan ng Republikang Bayan ng Tsina.
↑Walang tiyak na kaurian ng Tsino ay opisyal sa teritoryo. Karaniwang nagsasalita ang mga residente ng Kantones, ang de facto na pamantayang panrehiyon.