Ang Karagatang Atlantiko ay ang pangalawang pinakamalaki sa limang karagatan ng mundo, na may lawak na mga 85,133,000 km2 (32,870,000 mi kuw).[1] Sinasakop nito ang tinatayang 17% ng ibabaw ng Daigdig at mga 24% ng sukat ng ibabaw ng tubig nito. Kilala ito na hinihiwalay ang "Lumang Mundo" ng Aprika, Europa at Asya mula sa "Bagong Mundo" ng Kaamerikahan sa pang-unawang Europeo ng Mundo.
Sa pamamagitan ng paghihiwalay nito ng Europa, Aprika, at Asya mula sa Kaamerikahan, gumanap ang Karagatang Atlantiko ng sentral na gampanin sa pag-unlad ng lipunan ng tao, globalisasyon, at mga kasaysayan ng maraming bansa. Habang kilala na ang mga Nordiko bilang ang unang mga tao na tumawid sa Atlantiko, tunay na naging pinakamaresulta ang ekspedisyon ni Cristoforo Colombo noong 1492. Hinatid ng ekpedisyon ni Colombo ang isang panahon ng paggalugad at kolonisasyon ng Kaamerikahan ng mga kapangyarihang Europeo, pinakakapansin-pansin ang Portugal, Espanya, Pransya, at ang Reyno Unido. Mula ika-16 hanggang ika-19 na dantaon, sentro ang Karagatang Atlantiko sa parehong eponimong kalakalan ng alipin at palitang Kolumbiyano habang paminsan-minsang pagkakaroon ng mga labanang dagat. Ang mga ganoong labanang dagat, gayon din ang lumalagong kalakalan mula sa kapangyarihang rehiyon ng Estados Unidos at Brasil, ay parehong pinataas ang antas noong maagang ika-20 dantaon, at habang walang pangkalahatang hidwaang militar ang naganap sa Atlantiko sa kasalukuyang panahon, nanatili ang karagatan na isang gitnang bahagi ng kalakalan ng mundo.
Inookupa ng Karagatang Atlantiko ang isang pahabang hugis-S na palanggana na lumalawak sa longhitud sa pagitan ng Europa at Aprika sa silangan, at ang Kaamerikahan sa kanluran. Bilang isang bahagi ng kabit-kabit na Karagatan ng Mundo, nakakonekta ito sa Karagatang Artiko sa hilaga, ang Karagatang Indiyano sa timog-silangan, at ang Karagatang Katimugan sa timog (sinasalarawan ng ibang mga depinisyon ang Atlantiko na lumalawak tungong timog sa Antartika). Nahahati ang Karagatang Atlantiko sa dalawang bahagi, ang hilaga at timog Atlantiko, sa pamamagitan ng Ekwador.[2]
Toponimiya
Ang pinakalumang pagbanggit sa isang dagat "Atlantiko" ay mula kay Estesikoro noong mga gitnang ika-6 na dantaon BC (Sch. A. R. 1. 211):[3]Atlantikôi pelágei (Griyego: Ἀτλαντικῷ πελάγει; Tagalog: 'ang dagat Atlantiko'; etym. 'Dagat ni Atlas') at sa Historia ni Herodoto noong mga 450 BC (Hdt. 1.202.4): Atlantis thalassa (Griyego: Ἀτλαντὶς θάλασσα; Tagalog: 'Dagat ni Atlas' o 'ang dagat Atlantiko'[4]) kung saan tumutukoy ang pangalan sa "dagat lagpas ng mga haligi ni Herakles" na sinasabing bahagi ng dagat na pumapalibot sa lahat ng lupain.[5] Sa lahat ng mga gamit na ito, tumutukoy ang pangalan kay Atlas at Titan sa mitolohiyang Griyego, na sinuportahan ang kalangitan at sa kalaunan, lumabas bilang isang pultada ng mga mapang medyebal at pinahiram ang pangalan sa mga makabagong atlas.[6] Sa kabilang banda, ang mga mandaragat ng sinaunang Griyego at panitikang mitolohikal na Griyego tulad ng Iliada at Odisea, itong sumasaklaw sa lahat na karagatan ay sa halip na kilala bilang Oseyano, isang dambuhalang ilog na pumalibot sa mundo; taliwas ito sa pumapalibot na mga dagat sa mga Griyego: ang Mediteraneo at ang Dagat Itim.[7] Sa kaibahan, ang katawagang "Atlantiko" ay orihinal na tumukoy sa Bulubunduking Atlas sa partikular sa Maruekos at ang dagat sa labas ng Kipot ng Gibraltar at ang baybayin sa Kanlurang Aprika.[6]
Nailapat ang katawagang "Karagatang Etiyopiya", hinango mula sa Sinaunang Etiyopiya, sa katimugang Atlantiko mga pinakahuli noong ika-19 dantaon.[8] Noong Panahon ng Pagtuklas, kilala ang Atlantiko sa mga kartograpong Ingles bilang Great Western Ocean (Dakilang Karagatang Kanluran).[9]