Atlas (kalipunan ng mapa)

Ang atlas ay isang kalipunan ng mga mapa, partikular na ng daigdig[1] o rehiyon ng mundo, subalit mayroon ding mga atlas ng iba pang mga planeta at ng kanilang mga satelayt sa sistemang solar. Nakaugaliang isinasaaklat o binubuong isang aklat ang mga atlas, isang pagkakasama sa isang aklat ng mga mapa ng iba't ibang lupain at bansa[2]; ngunit mayroon na rin sa kasalukuyan ng mga atlas na nasa ibang mga anyo o pormatong multimidya. Bilang dagdag sa paglalarawan ng mga katangiang heograpiko at mga hangganang pampolitika, maraming mga atlas ang kadalasang nagtataglay ng mga estadistikang pangheopolitika, panlipunan, panrelihiyon, at pang-ekonomiya.

May kaugnayan ang pangkartograpiyang atlas para sa kalipunan ng mga mapa sa kay Atlas ng mitolohiyang Griyego. Si Antonio Lafreri ang unang tagapaglathala na nag-ugnay sa Titanong si Atlas sa isang pangkat ng mga mapa, sa kanyang Tavole Moderne Di Geografia De La Maggior Parte Del Mondo Di Diversi Autori; ngunit hindi niya ginamit ang salitang "atlas" para sa pamagat ng kanyang akda. Si Gerardus Mercator ang partikular na naglaan ng kanyang aklat na "atlas" para "parangalan ang Titanong si Atlas na Hari ng Mauretania, isang maalam na pilosopo, matematiko, at astronomo;" bagaman si Haring Atlas na isang astronomong hari ang kanyang nilalarawan.

Mga sanggunian

  1. Gaboy, Luciano L. Atlas - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. Blake, Matthew (2008). "Atlas". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org., nasa Atlas Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine..


HeograpiyaAstronomiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya at Astronomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Strategi Solo vs Squad di Free Fire: Cara Menang Mudah!