Ang linarang, na kilala rin bilang larang o nilarang, ay Pilipinong nilagang isda na nagmula sa kapuluan ng Gitnang Kabisayaan. Ito ay gawa sa mga isda na nasa
Linarang na bakasi, na gawa sa mga maliliit na igat | |
| Ibang tawag | nilarang, larang, gilarang |
|---|---|
| Kurso | Ulam |
| Lugar | Pilipinas |
| Rehiyon o bansa | Gitnang Kabisayaan |
| Ihain nang | Mainit |
| Pangunahing Sangkap | isda, bawang, kamatis, sibuyas, tawsi, hilaw na mangga o kamias, sili, gata |
| |
Ang linarang, na kilala rin bilang larang o nilarang, ay Pilipinong nilagang isda na nagmula sa kapuluan ng Gitnang Kabisayaan. Ito ay gawa sa mga isda na nasa maanghang at maasim na sabaw na may gata na may kasamang bawang, sibuyas, kamatis, tawsi, sili, at maaasim na prutas.[1]
Ang pangalang linarang o nilarang (lit. "ginawang larang "), ay ang kinabitang anyo ng pandiwang larang sa Sebwano na nangangahulugang "ilaga sa gata at pampaanghang".[2] Dati, magkasingkahulugan ang salita sa ginataan (ginat-an o natutunan sa Sebwano), ngunit sa kalaunan ay tumutukoy lamang sa ulam na ito.[3]
Inihahanda ang nilarang sa paggisa ng isda na may bawang, sibuyas, at kamatis. Pagkatapos, idinaragdag ito sa sabaw na may tawsi, sili, at pampaasim. Ang karaniwang pampaasim nito ay hilaw na mangga, sampalok, o kamias (iba), ngunit maaari ring gumamit ng anumang maasim na prutas.[4][5][6]
Nag-iiba-iba ang linarang depende sa uri ng isda na ginamit. Ang mga pinakamadalas na ginagamit ay loro ( molmol o isda sa bato), pagi, malasugui, tasik, at tanguigue.[4][7]
Isang natataging uri mula Cordova, Cebu ay linarang na bakasi o nilarang bakasi na gawa sa mga bakasi; lalo na sa Gymnothorax richardsonii, na masagana sa mga tubig sa lungsod. Tinutukoy ang mga igat bilang "baby eels" (batang igat) sa wikang Ingles dahil sa kanilang laki, kahit adultong-hustong gulang na sila.[5][8][9][10]
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.