Ang knickerbocker ay isang panghimagas na sorbetes mula sa Lungsod ng Zamboanga, Pilipinas na binubuo ng iba't ibang sariwang tipak-tipak na prutas, kubong may
| Kurso | Panghimagas |
|---|---|
| Lugar | Pilipinas |
| Rehiyon o bansa | Lungsod ng Zamboanga |
| Gumawa | Restorang Hacienda de Palmeras |
| Pangunahing Sangkap | Sorbetes na presas, kondensada, gulaman (agar), nata de coco, samu't saring prutas |
Ang knickerbocker ay isang panghimagas na sorbetes mula sa Lungsod ng Zamboanga, Pilipinas na binubuo ng iba't ibang sariwang tipak-tipak na prutas, kubong may lasa ng gulaman (agar), at nata de coco sa kondensada na nilagyan ng sorbetes na presas. Kabilang sa mga sinasahog na prutas ang mangga, saging, pitaya, papaya, milong lunti, mansanas, ubas, seresa, pinya at pakwan, bukod sa iba pa. Minsan maaari ring sahugin ang sorbetes na baynilya o tsokolate. Nilalahukan din ang mga mani paminsan-minsan.[1][2][3][4] Kinokonsidera ito minsan bilang isang baryante ng halo-halo ngunit iba ang knickerbocker dahil wala itong ginadgad na yelo. Pinakakahawig nito ang knickerbocker glory, isang sundae ng mga Amerikano at Briton, ngunit magkaiba ang kanilang mga sangkap. Ang ulam ay unang pinasikat ng Hacienda de Palmeras restaurant bago kumalat sa buong lungsod.[5][6]
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.