† Mga Appearances (gol)
Si James David Rodríguez Rubio (ipinanganak noong 12 Hulyo 1991), kadalasang kilala bilang si James Rodríguez (pagbigkas sa wikang Kastila: [ˈxames roˈðɾiɣes]) o James (HAHM-ess) lamang,[1] ay isang Kolombiyano na propesyunal na manlalaro ng futbol, na naglalaro para sa koponang Kastila na Real Madrid at sa pambansang koponan ng futbol sa Colombia, bilang isang sumusugod na midfielder o isang winger.
Kalimitang itinatalá si James bilang isa sa mga pinakamahuhusay na batang manlalaro sa buong daigdig.[2][3][4] Nakatanggap na siya ng maraming papuri dahil sa kanyang mga taktika, sa kakayahan nito sa pagtingin, at sa paglalaro, at tinutukoy ring susunod sa yapak ng kanyang kababayang si Carlos Valderrama.[3][5][6]
Naging tanyag si James sa Europa noong panahon ng paglalaro niya sa koponang Porto, at nagwagi na ng maraming tropeo at natatanging mga parangal sa loob ng tatlong taon niya sa koponan. Noong 2014, lumipat si James mula sa koponang Monaco patungo sa Real Madrid sa halagang €80 milyon, dahilan upang siya'y maging pinakamahal na Kolombiyano sa kasaysayan, higit pa kay Radamel Falcao, at isa sa mga pinakamahal na mga manlalaro ng futbol.[7]
Ang kanyang pananaig sa pambansang koponan ng futbol sa Colombia ay nagsimula sa dibisyon ng U-20 ng kanilang pambansang koponan, kung saan siya ang kapitán ng nagwaging bahagi ng Torneong Toulon. Kinalauna'y naging kapitán din siya ng koponang U-20 noong 2011 FIFA U-20 World Cup, kung saan kinalauna'y nagdala sa kanya sa pagiging regular sa senior squad sa edad na 20. Napili siyang maglaro para sa 2014 FIFA World Cup, kung saan napanalunan niya ang Golden Boot bilang nangungunang taga-iskor ng goal at naging bahagi ng All Star Team.[8][9]
{{cite web}}