Halibut

Ang halibut (Ingles: halibut o halibutt) ay isang uri ng isdang-lapad mula sa pamilya ng mga tatampal (Pleuronectidae) na nasa kanan ang mga mata. Hinango ang

Halibut
Isang halibut.

Ang halibut (Ingles: halibut o halibutt) ay isang uri ng isdang-lapad mula sa pamilya ng mga tatampal (Pleuronectidae) na nasa kanan ang mga mata. Hinango ang pangalan nito mula sa Ingles na haly (holy o banal) at butt ("pisang isda"), na tinawag na ganito dahil sa karaniwang kinakain ito tuwing banal na mga arawa.[1] Namumuhay ang halibut sa mga karagatan ng Hilagang Pasipiko at sa Hilagang Atlantiko. Mataas ang pagturing dito bilang pagkaing isda. Mayroon apat na mga uri ang isdang dagat na ito, na pinakamalalaki sa mga kasapi ng pamilya ng mga isdang tatampal.[2]

Paglalarawan

May kayumangging kulay ang halibut at matitibay na mga ngipin sa magkabilang mga gilid ng panga. Lumalangoy ang halibut papunta sa mas palalim na bahagi ng katubigan habang lumalaki at tumatanda. Matatagpuan ang pinakamatatanda sa lalim na 3,000 mga talampakan. Dalawa sa mga ito, ang halibut ng Pasipiko o Hippoglossus stenolepis at ang halibut ng Atlantiko o Hippoglossus hippoglossus (kapwa nasa pamilyang Pleuronectidae), na parehong namumuhay sa hilagang mga karagatan, na kapwa lumalaki na may 9 na mga talampakan at tumitimbang ng may 500 mga libra o mahigit pa. Mas maliliit ang laki ng dalawa sa natitira pang mga uri[2] (nasa mga pamilyang Carangidae, Paralichthyidae, at Psettodidae ang mga "halibut" na ito).

Mga sanggunian

  1. Oxford English Dictionary: partikular na binabanggit ng diksyunaryong ito na hindi talaga malinaw ang etimolohiya ng halibut, subalit ito ang paliwanag.
  2. 2.0 2.1 "Halibut". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977., Dictionary Index para sa titik na H, pahina 318.

Isda Ang lathalaing ito na tungkol sa Isda ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.