Ang FF Meta ay isang humanistang sans-serif na pamilya ng tipo ng titik na dinisenyo ni Erik Spiekermann at nilabas noong 1991[1] sa pamamagitan ng kany
| Kategorya | Sans-serif |
|---|---|
| Klasipikasyon | Humanistang sans-serif |
| Mga nagdisenyo | Erik Spiekermann |
| Foundry | FontFont |
Ang FF Meta ay isang humanistang sans-serif na pamilya ng tipo ng titik na dinisenyo ni Erik Spiekermann at nilabas noong 1991[1] sa pamamagitan ng kanyang libreryang FontFont. Sa loob ng dekada 1990, tinanggap ng internasyunal na pamayanan ng nagdidisenyo ang FF Meta[2] kasama ang sinulat nina Spiekermann at E. M. Ginger na kahina-hinalang pinuri ito bilang ang Helvetica ng dekada 1990.[3]
Ginamit ang FF Meta ng ilang mga korporasyon at ibang organisasyon bilang pamilya ng tipo ng titik ng kanilang kompanya, karatula at logo. Kabilang sa mga ito kompanyang ginamit ito ang Imperial College London, The Weather Channel, Free Tibet, Herman Miller, Zimmer Holdings, Mozilla Corporation, Mozilla Foundation, Schaeffler Group at Fort Wayne International Airport.[4] Gumagamit ang The University of Hull ng FF Meta Serif kasama ang FF Meta.[5]
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.