Imperial College London

The Blue Cube
St Mary's Hospital

Ang Imperial College London ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa Londres, United Kingdom. Ang tagapagtatag nito, si Prinsipe Alberto, ay nagnais ng isang lugar na binubuo ng Victoria and Albert Museum, Natural History Museum, Royal Albert Hall, at Imperial Institute. Ang kanyang asawa, si Reyna Victoria, ay naglatag ng pundasyong bato para sa Imperial Institute noong 1888. Ang Imperial College London ay nabigyan ng Royal Charter noong 1907. Sa parehong taon, ang kolehiyo ay sumali sa federal na Unibersidad ng London, bago nito iniwan matapos ang isang siglo. Sa pamamagitan ng pagsanib sa ilang mga makasaysayang paaralang medikal, ang kurikulum ay pinalawak upang maisali ang medisina. Noong 2004, binuksan ni Reyna Elizabeth II ang Imperial College Business School.

Ang Imperial ay laging binabanggit sa pagraranggo ng mga nangungunang unibersidad sa mundo. Noong 2017, ito ay ika-8 sa Times Higher Education World University Rankings, ika-8 sa QS World UniversityRankings. Ang Imperial ay niraranggo sa mga pinakainobatibong unibersidad sa Europa. Ang mga kawani at alumno ay kinabibilangan ng 15 Nobel laureates, 3 Fields Medalists, 74 Fellows ng Royal Society, 84 Fellows ng Royal Academy of Engineering, at 85 Fellows ng Academy of Medical Sciences.

51°29′54″N 0°10′37″W / 51.4983°N 0.1769°W / 51.4983; -0.1769 Edukasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Strategi Solo vs Squad di Free Fire: Cara Menang Mudah!