Ang DWKP (101.9 FM), sumasahimpapawid bilang 101.9 Zagitsit News FM, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng DCG Radio-TV Network. Ang e
| Legazpi | |
|---|---|
| Lugar na pinagsisilbihan | Albay at mga karatig na lugar |
| Frequency | 101.9 MHz |
| Tatak | 101.9 Zagitsit News FM |
| Pagproprograma | |
| Wika | Albayanon, Filipino |
| Format | Contemporary MOR, News, Talk |
| Pagmamay-ari | |
| May-ari | DCG Radio-TV Network |
| Kaysaysayan | |
Unang pag-ere |
|
Dating call sign | DWHI (Oktubre 30, 2015 – Nobyembre 8, 2021) |
Dating frequency | 100.3 MHz (Oktubre 30, 2015 – Nobyembre 8, 2021) |
| Impormasyong teknikal | |
Awtoridad na naglisensiya | NTC |
| Power | 5,000 watts |
| Link | |
| Website | Official Website |
Ang DWKP (101.9 FM), sumasahimpapawid bilang 101.9 Zagitsit News FM, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng DCG Radio-TV Network. Ang estudyo nito ay matatagpuan sa Unit 3, Camelo Bldg., Imelda C. Roces Ave., Brgy. Gogon, Legazpi, Albay, at ang transmiter nito ay matatagpuan sa Bariw Hill, Brgy. Estanza, Legazpi, Albay.[1][2][3][4]
Itinatag ang hipilang ito noong Oktubre 30, 2015 sa 100.3 FM na pagmamay-ari ng Hypersonic Broadcasting Center bilang Z100.3 Zagitsit News FM .
Noong Nobyembre 8, 2021, bilang resulta ng Cease and Desist Order na inilabas ng National Telecommunications Commission, nawala ito sa ere dahil sa paglabag sa ilang patakaran para sa pansamantalang awtoridad sa pagsasahimpapawid. Gayunpaman, ibinasura ng pamunuan ang mga pahayag, na nagsasaad na ang mga isyung pampulitika ay kasangkot sa pagsasara nito.[5][6] Noong Disyembre 9, 2021, bumalik ang operasyon nito sa online bilang Zagitsit News Online.
Noong Agosto 13, 2022, bumalik ito sa ere sa 101.9 FM na pagmamay-ari ng pamamagitan ng Katigbak Enterprises.
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.