Ang Cosplay (Hapones: コスプレ, romanisado: kosupure) ay ang tema kung saan gagayahin ang mga idolong karakter sa mga anime, mga online at video games na nilalaro, mga karakter sa mga pelikula, pati artista at iba pa. Kailangan lamang ay magparehistro (magpalista), maging myembro at kailangan may talento at magaling sa mga sasagutin na mga katanungan. Nagsimula ang Philippine Cosplay noong 2001. Maraming mga kabataan ang sumali sa kompetisyon na ito.
Kasaysayan
Nagsimula noong 1978, nauso sa bansang Hapon ang Cosplaying o costume playing na karaniwang mga Otaku o mga fan ng mga Japanese comic book o Manga
Hanggang lumawak na ito sa buong mundo; sinakop pati na rin ang cartoons, mga video games at movie characters.
Cosplay sa Pilipinas
Noong taong 2000 ay naipakilala ang cosplay sa Pilipinas ng Anime Explosion na ginanap sa SM Megamall Megatrade hall, ito ang unang convention na dedikado sa anime. Sinundan ito ng mga iba pang convention sa mga sumunod na taon.[1]