Ang original net animation (ONA, literal sa Tagalog bilanng "orihinal na animasyon sa net"), kilala sa bansang Hapon bilang Web Anime (ウェブアニメ, Webu Anime), ay isang anime na diretsong nilalabas sa Internet.[1][2] Naipapalabas din ang mga ONA sa telebisyon kung una silang diretsong nilabas sa Internet. Sinasalamin ng pangala ang original video animation, isang katawagan na ginagamit sa industriya ng anime para sa animasyong straight-to-video simula pa noong unang bahagi ng dekada 1980. Bago-bago pa lamang ang Internet bilang isang pagpapalabas ng distribusyon ng animasyon na naging praktikal dahil sa dumaragdag na bilang ng websayt na nag-ii-stream ng midya sa bansang Hapon.
May lumalagong bilang ng mga trailer at paunang-tingin na episodyo ng bagong anime ang nilalabas bilang ONA. Halimbawa, ang pelikulang anime na Megumi ay tinuturing na isang ONA. Kadalasang gumagawi ang mga ONA sa pagiging mas maikli sa tradisyunal na mga titulong anime, na tumatakbo minsan ng ilang minuto lamang.[3]
Ang pangkalahatang produksyon ng animasyon sa bansang Hapon ay ginawa para sa telebisyon o paara sa ibang awdyo-biswal na mga pormat, na kabilang ang mga ONA na maaring makita sa pamamagitan ng telebisyon, teleponong selyular o kompyuter.[4]
Mga sanggunian