Ang Centaurus A (kilala bilang NGC 5128 o Caldwell 77) ay isang galaksiyang radyo sa konstelasyon ng Centaurus. Natuklasan ito noong 1826 ng astronomo na si Jam
| Centaurus A | |
|---|---|
Larawan ng Centaurus A. | |
| Datos ng pagmamasid (J2000 epoch) | |
| Konstelasyon | Centaurus |
| Asensyon sa kanan | 13h 25m 27.6150s[1] |
| Paglihis | -43° 01′ 08.806″[1] |
| Redshift | 0.001825±0.0000167 |
| Belosidad ng Radiyal na Helio | 547 ± 5 km/s[1] |
| Layo | 11–13 Mly (3–5 Mpc)[2][3] |
| Uri | S0 pec[1] or Ep[4] |
| Maliwanag na dimensyon (V) | 25.7′ × 20.0′[1] |
| Maliwanag na kalakihan (V) | 6.84[5] |
| Tingnan din: Galaksiya | |
Ang Centaurus A (kilala bilang NGC 5128 o Caldwell 77) ay isang galaksiyang radyo sa konstelasyon ng Centaurus. Natuklasan ito noong 1826 ng astronomo na si James Dunlop.[6][7] Ito ang pinakamalapit na kilalang galaksiyang radyo na matatagpuan sa layo na humigit-kumulang 11 hanggang 13 milyong taong-liwanag mula sa Daigdig.[3][8][9]
Ang galaksiyang ito ay may laki na nasa 123,100 taong-liwanag.[1] Ang sentro ng galaksiya ay may napakabigat na itim na butas (supermassive black hole) na may masang humigit-kumulang 55 milyong beses ng masa ng Araw. Gumagawa ito ng napakalalakas na jet na astropisikal.[9][10]
Nabuo ang Centaurus A matapos ang isang malaking banggaan ng mga galaksiya.[11] Ayon sa mga siyentipiko, nangyari ang banggaan ng dalawang galaksiya na humigit-kumulang nasa dalawang bilyong taon ang nakalipas[9][12] na nagdulot ng kakaibang hugis na makikita natin ngayon at nagpasimula ng matinding pagbuo ng mga bagong bituin.
Dalawang kilalang supernoba ang nadiskubre sa galaksiyang ito:
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.