Ang Lungsod ng Biñán ay isang unang uring Lungsod sa lalawigan ng Laguna, Pilipinas. Mula sa Kalakhang Maynila, ang Biñan ay mararating sa pamamagitan ng Sou
Biñan ᜊ̊ᜈᜈ̟ Lungsod ng Biñan | |
|---|---|
larawan ng Laguna na nagpapakita ng kinaroroonan ng Biñan. | |
![]() | |
| Mga koordinado: 14°20′N 121°05′E / 14.33°N 121.08°E | |
| Bansa | |
| Rehiyon | Calabarzon (Rehiyong IV-A) |
| Lalawigan | Laguna |
| Distrito | Nag-iisang Distrito ng Biñan |
| Mga barangay | 24 (alamin) |
| Pagkatatag | 1688 |
| Pamahalaan | |
| • Punong Lungsod | Walfredo "Arman" B. Dimaguila Jr. |
| • Manghalalal | 227,474 botante (2025) |
| Lawak | |
| • Kabuuan | 43.50 km2 (16.80 milya kuwadrado) |
| Populasyon (Senso ng 2024) | |
| • Kabuuan | 584,479 |
| • Kapal | 13,000/km2 (35,000/milya kuwadrado) |
| • Kabahayan | 117,720 |
| Ekonomiya | |
| • Kaurian ng kita | ika-1 klase ng kita ng bayan |
| • Antas ng kahirapan | 5.75% (2021)[2] |
| • Kita | ₱ 3,890 million (2024) |
| • Aset | ₱ 11,969 million (2024) |
| • Pananagutan | ₱ 4,500 million (2024) |
| • Paggasta | ₱ 1,927 million (2024) |
| Sona ng oras | UTC+8 (PST) |
| Kodigong Pangsulat | 4024 |
| PSGC | 043403000 |
| Kodigong pantawag | 49 |
| Uri ng klima | Tropikal na monsoon na klima |
| Mga wika | Tagalog |
| Websayt | binan.gov.ph |
Ang Lungsod ng Biñán ay isang unang uring Lungsod sa lalawigan ng Laguna, Pilipinas. Mula sa Kalakhang Maynila, ang Biñan ay mararating sa pamamagitan ng South Luzon Expressway. Ang Biñan ay naging katulad ng pamayanang maunlad ng Kalakhang Maynila at ang pook ng pinakamamalaking pagawaan at isang pook tagagawa ng pang-angkat sa Pilipinas. Ayon sa senso ng 2024, ito ay may populasyon na 584,479 sa may 117,720 na kabahayan.
Ang Biñan ay ang ikalawang bayan na madadaanan mula sa Kalakhang Maynila patungong Timog. Ang bayan ng Biñan ay kasama sa tatlong bumubuo sa unang distrito ng Laguna.
Ang Biñan ay matatagpuan 35 kilometro (22 mi) timog ng Manila at 52 kilometro (32 mi) mula sa Santa Cruz. Ito ay napapahangganan sa hilaga ng San Pedro, sa kanluran ng Heneral Mariano Alvarez, Carmona, at Silang, sa timog ng Santa Rosa, habang nasa silangan ng Laguna Bay [[Laguna Bay].
Sinasaklaw ng lungsod ang kabuuang sukat ng lupain na 43.50 km2 (16.80 mi kuw) na kumakatawan sa Padron:Porsiyento ng buong lalawigan ng Laguna. Noong 2020, ang Biñan ay may kabuuang populasyon na 407,437.Template:PH wikidata called with unsupported input "population_reference" Ito ang pangatlo sa pinakamaraming populasyon sa probinsya (12% ng populasyon ng probinsya), kasunod lamang ng Calamba (16%) at Santa Rosa City (12.3%).
Ang Biñan ay karaniwang patag na may 85.33% ng kabuuang lawak nito na may slope na sero hanggang 2.5%. Saklaw nito ang lahat ng 24 na barangay maliban sa maliliit na bahagi ng mga barangay ng Biñan at San Francisco na may slope na mula 2.6 hanggang 25%, ibig sabihin ay banayad hanggang sa malakas na slope ito. Dahil mahigit tatlong-kapat ng lawak nito ay karaniwang patag hanggang halos pantay, ginagawa nitong angkop ang Biñan para sa agrikultural at urban na pag-unlad.
Sa labing-isang serye ng lupa na bumubuo sa lawak ng lupa ng Laguna, ang serye ng Carmona at Gingua ay sumasaklaw sa humigit-kumulang dalawang uri na makikita lamang sa Biñan. Ang serye ng Carmona ay sumasaklaw sa humigit-kumulang 2,577 ektarya (6,370 akre) o 59.24 percent na makikita sa lawak ng lupa ng Biñan. Ang lupang agrikultural sa mga lugar na ito ay pangunahing nakatuon sa produksyon ng bigas at asukal. Sa kabilang banda, ang serye ng Gingua, partikular ang pinong uri ng buhangin, ay sumasaklaw sa 315 ektarya (780 akre) na isa sa mga pinakaproduktibong lupa sa Laguna kung saan ang iba't ibang pananim lalo na ang mga gulay ay itinatanim nang kapaki-pakinabang. Ang dalawa pang pangunahing serye ng lupa na bumubuo sa Biñan ay ang serye ng Guadalupe na sumasaklaw sa 660 ektarya (1,600 akre) at ang serye ng Lipa na may 798 ektarya (1,970 akre).
Ang bayan ng Biñan ay nahahati sa 24 na mga barangay.
|
|
Ang klima ng Biñan ay nailalarawan sa pamamagitan ng dalawang kapansin-pansing panahon: tuyo mula Nobyembre hanggang Abril at basa sa natitirang bahagi ng taon. Ang pinakamataas na pag-ulan ay nangyayari mula Hunyo hanggang Setyembre na may taunang average na pag-ulan na 200 mm (7.9 in). Ang Biñan ay protektado ng mga bundok sa mga paligid na lugar, at sa gayon ay ginagawa nitong mas malamig ang lugar.
| Datos ng klima para sa {{{location}}} | |||||||||||||
|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
| Buwan | Ene | Peb | Mar | Abr | May | Hun | Hul | Ago | Set | Okt | Nob | Dis | Taon |
| [kailangan ng sanggunian] | |||||||||||||
Ang pangalang ng bayan ay pinaniniwalaang nagmula sa salitang "binyagan". Natuklasan ng mga Kastila ang Biñan noong huling bahagi ng ika-6 na buwan 1571, isang buwan pagkatapos itatag ni Miguel Lopez de Legazpi ang Maynila ayon sa mga matatandang kasulatan.
Noong 1769, ang punong bayan panlalawigan ay inilipat mula Bay patungong Pagsanjan, ang Biñan ay inihiwalay sa Bay at naging bahagi ng Santa Rosa. Noong 1771, noong panahon ni Pablo Faustino, ang Biñan ay inihiwalay mula sa Santa Rosa at naging isang bayan.
Ayon sa kasaysayan, ang Biñan ay kilala sa buong bansa dahil sa pagkakasali nito sa aklat ng talambuhay ni José Rizal, ang pambansang bayani. Sinasabi na tumira si Jose Rizal malapit sa nasabing bayan noong kabataan pa niya at nakapag-aral sa isang paaralang matatagpuan dito. Ang pangalan ng paaralan na pinasukan ni Jose ay hindi alam. Sa pag-alala kay Jose Rizal, isang "plake" ng pagkilala ang inilagay kung saan siya nanatili. Isang "monumento" naman ang itinayo sa gitna ng "plaza" ng Biñan, para ipaalala na minsan ay naging bahagi ng bayan ang pambansang bayani.
Noong 1903, ang mga katabing bayan ng Muntinlupa, na noon ay bahagi ng lalawigan ng Rizal, at San Pedro Tunasan ay pinagsama sa Biñan.[4][5] Ang parehong bayan ay kalaunan ay pinaghiwalay nang ang Muntinlupa ay ibalik sa Rizal bilang bahagi ng Taguig noong 1905 at ang San Pedro Tunasan ay nabawi ang katayuan nito bilang malayang munisipalidad noong 1907.[6][7]
Noong Pebrero 2, 2010, sa bisa ng Batas Republika Blg. 9740, ang Biñan ay naging isang lungsod na bahagi matapos tanggapin ng mga botante nito ang ratipikasyon sa isang plebisito. Ito ay naging ika-4 na lungsod sa lalawigan at ika-139 sa Pilipinas.
Sa bisa ng Batas Republika Blg. 10658, na nilagdaan noong Marso 27, 2015, ni Pangulong Benigno Aquino III, ang Biñan ay inihiwalay mula sa unang distrito ng kongreso ng Laguna at binuo ang nag-iisang distrito ng kongreso ng Biñan. Kalaunan ay nagkaroon ito ng hiwalay na representasyon sa Lupon ng Panlalawigan ng Laguna simula noong 2025.
Ang Biñan ay kilalang gitna ng kalakalan sa mga kalapit nitong mga bayan sa katimugan tulad ng mga bayan ng San Pedro, Santa Rosa, Carmona, Silang at punong hukbo Mariano Alvarez. Kadalasan ang mga nagtitinda sa mga palengke ng bayang kalapit nito ay dumadayo dito upang bumili ng kanilang paninda.
Isang pangkaraniwan na tanawin dito ay ang nga naghahanda at nag-aayos ng mga paninda sa kanila kanilang mga kinalalagyan, ang iba pa nga ay sa mga daan at masisikip na daanan pa nagtitinda, isa pa ay ang pagdating ng mga dyip at trak na may dala-dalang iba't ibang uri ng bunga, gulay, mga "produktong" gawa sa mantikilya, laman ng hayop, isda, asukal atbp. Ang palengke ng Biñan ay halos bukas 24 "oras" na ang "oras" nagdagsaan ay tuwing umaga (5:00 - 8:00 NU) dahil kilala ang mga Filipino na maaga nagsisimulang maghanapbuhay pagkat nais nilang iwasan ang matinding sikat ng araw sa tanghali.
Kilala rin ang bayan na sa paggawa ng mga masasarap na kakanin na may mga sahog sa ibabaw nito (Puto Biñan). Ang pinakakilalang gumagawa ng Puto sa Biñan ay matatagpuan sa barangay San Vicente.
Marami rin iba't-ibang hanapbuhay ang mga tao dito tulad ng paggawa ng tsinelas at sapatos atbp.
Ang Biñan ay kinikilala na ring gitna ng pag-aaral sa unang "distrito" ng Laguna, dahil ito ang may pinakamaraming bilang ng mataas at mababang paaralan sa pook. Ang mga kilalang mga paaralan na matatagpuan sa bayan ay ang sumusunod:
| Taon | Pop. | ±% p.a. |
|---|---|---|
| 1903 | 9,563 | — |
| 1918 | 10,692 | +0.75% |
| 1939 | 16,238 | +2.01% |
| 1948 | 20,794 | +2.79% |
| 1960 | 33,309 | +4.00% |
| 1970 | 58,290 | +5.75% |
| 1975 | 67,444 | +2.97% |
| 1980 | 83,684 | +4.41% |
| 1990 | 134,553 | +4.86% |
| 1995 | 160,206 | +3.32% |
| 2000 | 201,186 | +5.00% |
| 2007 | 262,735 | +3.75% |
| 2010 | 283,396 | +2.79% |
| 2015 | 333,028 | +3.12% |
| 2020 | 407,437 | +4.34% |
| 2024 | 584,479 | +9.05% |
| Sanggunian: PSA[8][9][10][11] | ||
Ang karamihan sa mga tao ng Biñan ay mga Romanong Katoliko. Kabilang sa iba pang mga relihiyosong grupo ang Jesus Miracle Crusade International Ministry (JMCIM), ang Simbahan ni Hesukristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, ang Members Church of God International, Iglesia ni Cristo (Simbahan ni Cristo), Mga Kristiyanong Ebanghelikal, Nagkakaisang Simbahan ni Cristo sa Pilipinas, ang Nagkakaisang Simbahang Metodista, Mga Simbahang Presbyterian, Baptist at mga simbahang Bible Fundamental.
{{cite web}}: Missing or empty |title= (); Unknown parameter |pamagat= ignored ()
{{citation}}: CS1 maint: numeric names: authors list (link)
date parameter cannot be empty for the {{cite PH act}} template), Isang Batas na Nagbabago Batas Bilang Siyam na raan at tatlumpu't siyam, na pinamagatang "Isang Batas na nagbabawas sa tatlumpung munisipalidad ng Lalawigan ng La Laguna sa labinsiyam," at Batas Bilang Siyam na raan at apatnapu't dalawa, na pinamagatang "Isang Batas na nagbabawas sa tatlumpu't dalawang munisipalidad ng Lalawigan ng Rizal sa labinlima," at nagtatadhana na ang hangganan sa pagitan ng mga Lalawigan ng La Laguna at Rizal ay baguhin upang maisama sa La Laguna ang munisipalidad ng Muntinlupa na ngayon ay bahagi ng Rizal., nakuha noong Abril 24, 2022 {{citation}}: Check date values in: |date= (); syntaxhighlight stripmarker in |date= at position 34 ()CS1 maint: numeric names: authors list (link)[patay na link]
{{citation}}: CS1 maint: numeric names: authors list (link)
{{citation}}: CS1 maint: numeric names: authors list (link)[patay na link]
{{cite encyclopedia}}: CS1 maint: numeric names: authors list (link)
{{cite encyclopedia}}: CS1 maint: numeric names: authors list (link)
{{cite encyclopedia}}: CS1 maint: numeric names: authors list (link) CS1 maint: url-status (link)
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.