Angera

Ang Angera (Latin: Angleria) ay isang bayan at comune (komuna o munisipalidad) sa lalawigan ng Varese, rehiyon ng Lombardia, hilagang Italya. Noong panahong Rom

Angera
Angera
Città di Angera
Lokasyon ng Angera
Map
Angera is located in Italy
Angera
Angera
Lokasyon ng Angera sa Italya
Angera is located in Lombardia
Angera
Angera
Angera (Lombardia)
Mga koordinado: 45°46′N 08°35′E / 45.767°N 8.583°E / 45.767; 8.583
BansaItalya
RehiyonLombardia
LalawiganVarese (VA)
Mga frazioneCapronno, Barzola
Pamahalaan
 • MayorMunicipal prefect
Lawak
 • Kabuuan17.72 km2 (6.84 milya kuwadrado)
Taas
193 m (633 tal)
Populasyon
 (2018-01-01)[2]
 • Kabuuan5,546
 • Kapal310/km2 (810/milya kuwadrado)
Tawag sa tagalugarAngeresi
Sona ng orasUTC+1 (CET)
 • Tag-init (DST)UTC+2 (CEST)
Kodigong Postal
21021
Kodigo sa pagpihit0331
Santong PatronSanta Maria Assunta
Saint dayAgosto 15
Opisyal na website

Ang Angera (Latin: Angleria) ay isang bayan at comune (komuna o munisipalidad) sa lalawigan ng Varese, rehiyon ng Lombardia, hilagang Italya. Noong panahong Romano, isa itong mahalagang daungan sa lawa at estasyon ng kalsada. Dating kilala bilang Anghiera, natanggap ng Angera ang titulo ng lungsod mula kay Duke Ludovico il Moro noong 1497. Ang bayan ay matatagpuan sa silangang pampang ng Lago Maggiore.

Kasaysayan

Ang pinakaunang kilalang mga naninirahan sa lugar ay mga mangangaso-nagtitipon na ginamit ang kuweba na kilala bilang Lungga ng Lobo (Tana del Lupo), sa paanan ng mga bangin. Sa panahon ng Romano, ang Angera (na kilala noon bilang Statio, isang lugar para sa pagpapalit ng mga kabayo) ay isang mahalagang daungan sa gilid ng lawa sa isang ruta ng kalakalan, ngunit noong ikaapat na siglo ito ay bumababa, at noong 411 ay nawasak, kasama ang Milan, ng mga Visigodo. Pagsapit ng ikalabing-isang siglo, ang lugar ay naipasa na sa pagmamay-ari ng mga Arsobispo ng Milan, at ang unang kastilyo ay itinayo sa isang madiskarteng lugar sa itaas ng bayan. Ang distrito ay nasa ilalim ng pamumuno ng Pamilyang Visconti noong ikalabintatlong siglo, at noong 1449, ito ay naibenta sa Pamilya Borromeo. Natanggap nito ang titulong lungsod mula kay Duke Ludovico il Moro noong 1497. Nang maglaon, ang bayan ay nasa ilalim ng pamumuno ng mga Español sa loob ng dalawang siglo, na sinundan ng pamamahalang Austriako na tumagal hanggang 1861.[3] Noong taong 1580, ang pangalan ng lungsod ay nakalista bilang Anghiera sa Vaticanong Galeriya ng mga Mapa.

Noong 1776, unang natuklasan ng Italyano na pisikong Alessandro Volta ang metano sa mga latian ng Angera habang nasa kaniyang mga bakasyon sa tag-araw. Nagtagumpay siya sa paghihiwalay ng gas, na tinawag niyang nasusunod na hangin mula sa mga latian, noong 1778. Ito ang tinatawag nating metano ngayon.[4]

Kakambal na bayan

Mga sanggunian

  1. "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
  2. "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
  3. Massetti, Enrico (2015). One Day in Arona: Stresa from Milan. Lulu.com. p. 22. ISBN 978-1-312-49438-1.
  4. "Biography".

Padron:Lago Maggiore

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.