Ang 1914 (MCMXIV) ay isang karaniwang taon na nagsimula sa Huwebes ayon sa Kalendaryong Gregoryano at isang karaniwang taon na nagsimula sa Miyerkules ayon sa Kalendaryong Juliyano. Ito ang ika-1914 na taon ng Karaniwang Panahon (Common Era o CE) at Anno Domini (AD), ang ika-914 na taon ng ikalawang milenyo, ang ika-14 na taon ng ika-20dantaon, at ang ika-5 taon ng dekada 1910. Pagsapit ng simula ng 1914, ang Kalendaryong Gregoryano ay 13 araw na nauuna sa Kalendaryong Juliyano, na nanatiling ginagamit sa ilang lugar hanggang 1923.
Sa taong ito nagsimula ang kalauna'y tinawag na Unang Digmaang Pandaigdig, matapos paslangin ang tagapagmana ng trono ng Austriya na si Arkiduke Franz Ferdinand ng Austriya ng nasyonalistangSerbiyo na si Gavrilo Princip. Nasaksihan din sa taong ito ang pagkakatatag ng kauna-unahang kompanya ng eroplano na nagbigay ng nakaiskedyul at regular na komersiyal na serbisyo sa mga pasahero gamit ang mga sasakyang panghimpapawid na mas mabigat kaysa hangin, sa pamamagitan ng Linyang Airboat na San Petersburgo–Tampa.
Sa taon din ito nairehistro ni Felix Manalo ang Iglesia ni Cristo sa Pamahalaang Insular ng Kapuluang Pilipinas. Ang pagkakarehistro noong Hulyo 27, 1914 ay may malalim na hula dahil sumabay ito sa pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig. Ito ang itinuturing nilang katuparan ng propesiya sa Bibliya ukol sa pagbabalik ng tunay na iglesya sa "mga wakas ng lupa."[1]
Kaganapan
Enero 1 – Nagsimulang magbigay ng serbisyo ang Linyang Airboat na San Petersburgo–Tampa sa pagitan ng San Petersburgo at Tampa, Florida, sa Estados Unidos. Ito ang naging kauna-unahang kompanya ng eroplano na nagbigay ng nakaiskedyul at regular na komersiyal na serbisyo sa mga pasahero gamit ang mga sasakyang panghimpapawid na mas mabigat kaysa hangin.[2]
Abril 23 – Nabigyan ng opisyal na pagkilala ang wikang Afrikaans nang talumpatian ni Cornelis Jacobus Langenhoven ang kapulungang Ingles ng Konsehong Panlalawigan ng Cape.[5]
Oktubre 4 – Isang lindol na may lakas na 7.0 sa sukatang lakas ng along pang-ibabaw ang yumanig sa Lawa ng Burdur sa timog-kanlurang Turkiya, na nagdulot ng tinatayang 4,000 pagkamatay at sumira sa mahigit 17,000 tahanan.[11]
↑FAA Aviation News (sa wikang Ingles). Office of Public Affairs, Federal Aviation Agency. 1967. p. 12.
↑United States Office of Public Buildings and Public Parks of the National Capital (1927). Concklin, Edward Franklin (pat.). The Lincoln Memorial, Washington (sa wikang Ingles). United States Government Publishing Office|United States Government Printing Office. p. 466.
↑"Egypt: a constitution". Time (sa wikang Ingles). 1923-04-28. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 15, 2007. Nakuha noong 2012-08-24.
Content Disclaimer
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.
The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.