Winx Club

Ang Winx Club ay isang seryeng animasyon sa telebisyon na unang ginawa sa Italya noong 2004. Ito ay nilikha ni Iginio Straffi at magkasamang ginawa ng Rainbow S

Winx Club
Winx Club
Logo ng Serye

Ang Winx Club ay isang seryeng animasyon sa telebisyon na unang ginawa sa Italya noong 2004. Ito ay nilikha ni Iginio Straffi at magkasamang ginawa ng Rainbow S.r.L. at Nickelodeon.[1] Ang serye ang isa sa mga pinakaunang animasyon na naibenta sa Estados Unidos. Ayon kay Iginio Straffi, ang Winx Club ay isang pantasya-aksyon na serye na may halong katatawanan. Ang kuwento ay tungkol sa mahiwagang lugar na kung tawagin ay Magix na may tatlong espesyal na eskwelahan na tinuturuan ang mga modernong diwata (fairies), ambisyosong mangkukulam (witches), at mga malalakas na mandirigma, pati na rin ang mga salamangkero (wizard) mula sa iba't ibang panig ng Mahiwagang Dimensiyon (Magical Dimension).

Balangkas

Si Bloom at ang kanyang limang mga kaibigan, Stella, Flora, Musa, Tecna, at Aisha o Layla, ay nakatira sa Mahiwagang Dimensyon at sa Daigdig (Earth). Tinawag silang Winx Club. Sila'y nakipagsapalaran sa mga mahihiwaga at makapangyarihang misyon. Sa pagtagal ng istorya, nakatuklas sila ng mas malakas na mga kapangyarihan, nakadiskubre ng mga sikreto at pati pakikipaglaban sa mga masasamang kalaban at tumulong kay Bloom upang malaman niya ang tunay niyang pinagmulan at kanyang kapangyarihan.

Mga sanggunian

Panlabas na kawing

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.