Ang Victory Christian Fellowship, na kilala rin bilang Victory, at bilang Victory Church (lit. na 'Simbahang Tagumpay'), ay isang Kristiyanong Ebangh
| Logo | |
| Klasipikasyon | Di-denominasyonal Kristiyanismo |
|---|---|
| Oryentasyon | Ebanghelikal |
| Teolohiya |
|
| Kapisanan | Every Nation Churches Philippine Council of Evangelical Churches |
| Nagtatag |
|
| Lugar ng Pagtatag | Hunyo 1984 Maynila, Pilipinas |
| Bilang ng Kasapi | 52,000 (ayon noong 2011, sa Victory ng Kalakhang Maynila lamang)[1] 110,000 (ayon noong 2015)[2] 85,000 (ayon noong 2018, Victory Metro Manila only)[3] 295,000 (ayon noong 2024)[4] |
| Kawanggawa | Real LIFE Foundation[5] |
| Opisyal na Websayt | victory.org.ph |
Ang Victory Christian Fellowship, na kilala rin bilang Victory, at bilang Victory Church (lit. na 'Simbahang Tagumpay'), ay isang Kristiyanong Ebanghelikal na megachurch (o malaking simbahan) na may nakahimpil sa Lungsod Taguig, Pilipinas. Kasapi ito ng Every Nation Churches (ENC, lit. na 'Simbahan ng Bawat Bansa'), kung saan ang Victory ay tinuturing nitong flagship church, at bahagi ng Lupon ng Katiwala ng Philippine Council of Evangelical Churches (PCEC, lit. na 'Konseho ng mga Ebanghelikal na Simbahan sa Pilipinas').[6][7][8] Niraranggo ang Victory bilang pinakamalaking megachurch sa Pilipinas, at isa sa pinamalaking simbahan sa buong Asya.[9][10][11] Tinaguriang "The Manila Miracle" ang Victory bunsod ng malago at mabilis na pagyabong ng mga miyembro nito.[12][6] Noong 2015, may presensya na ito sa 60 lungsod sa Pilipinas. Makalipas ang anim na taon, noong 2021, halos dumoble na ito at umabot sa 92 lungsod sa buong bansa.[13][14]
Hango ang pangalan ng simbahan sa dalawang talata sa Bibliya (dinagdag ang diin):[12]
Ang mga simbahang may katulad na pangalan gaya ng Victory Churches of Asia (VCA, na kaanib ng Canada-based na Victory Churches International), at Victory Chapel Christian Center (kaanib naman ng US-based na Potter's House Christian Fellowship) ay hindi tumutukoy sa simbahang ito (Victory).[17][18]

Nagsimula ang Victory Christian Fellowship noong Hunyo 1984 bilang outreach o gawaing paglilingkod ng Maranatha Christian Fellowship. Kasama sa mga nagpasimula nito ay ang mga misyonerong sina Rice Broocks (na ngayon ay nagsisilbing Obispo ng Bethel World Outreach Church), mag-asawang Steve Murrell at Deborah Murrell, at 65 iba pang Amerikanong mag-aaral na sangkot sa isang buwang mission trip. Matapos ang dalawang linggong mga ebanghelikong pagtitipon sa Awditoryum ng Girl Scouts of the Philippines, nagdaos sila ng unang pagsamba (worship service) kasama ang 165 na mga mag-aaral sa silong ng Sinehang Tandem sa kahabaan ng Abenida Recto, Lungsod Maynila.[12][19]
Noong 1992, nagsimulang magpadala ng mga misyonero ang Victory sa ibang bansa. Ang unang bansang napuntahan nila ay Bangladesh. Nang lumaon, nakapagtatag ng mga simbahan (church plants) ang mga misyonero mula sa Victory sa 58 iba't-ibang mga bansa. Kapansin-pansin na karamihan sa mga bagong simbahan na ito ay natatag sa mga bansang hindi mayorya ang mga Kristiyano.[12] Bilang bahagi ng Mission 2029 ng Every Nation, na may layuning abutin ang 20 bagong bansa dagdag pa sa 81 na bansang kasalukuyang pinaglilingkuran nito, nag-ukol ang Victory ng mga misyonero para magsimula ng mga simbahan sa limang bansa.[20]
Naging mabilis ang paglago ng mga kaanib sa Victory. Mula sa 94 na pagsamba o worship services kada linggo noong 2012, nagsasagawa na ito ng mahigit sa 460 na pagsamba o worship services kada linggo sa taong 2024.[4][21] Hinihimok rin nito ang mga miyembro na maging aktibo sa pag-aaral ng Bibliya, at pagbabahagi tungkol kay Hesus at sa kaligtasan. Bunsod nitong pokus nila sa paglilinang ng mga magmiministeryo at mga misyonero, mahigit 10,000 small group leaders ang nangunguna sa mga discipleship group o pangkat pagdidisipulo (na tinatawag nilang Victory Group) bawat linggo.[22]
Nilunsad ng Victory ang buwanang magasin na Victory FIRE noong 1992.[23]
Inilabas ng Victory ang unang album nitong God Is On Our Side noong 1992.[23]
Noong 2014, nagsimula ang Victory Worship noong nilabas nito ang unang live worship album nito na Radical Love.[24][25] Ang Radical Love at ang kasunod nitong Rise Heart noong 2015 ay sinertipikahang Gold ng Philippine Association of the Record Industry (PARI).[26] Noong Marso 25, 2017, nilabas ng grupo ang Awit ng Bayan, ang unang single nito sa wikang Filipino; at noong Hunyo 1, 2017 naman, ang single na Safe ay nilabas sa radyo at sa digital na format.[27] Noong 2020, nagtanghal ang Victory Worship kasama ang iba pang mga Kristiyanong mang-aawit at grupo sa FOUND Music Festival na ginanap sa Alabang. Lagpas 3,000 katao ang dumalo rito.[28][29]
Noong 2025, nalagpasan ng Victory Worship ang 850,000 monthly listeners sa Spotify, 788,000 subscribers sa YouTube, 241,000 followers sa Facebook, at 37,000 followers sa Instagram. Ang mga sumusunod na awit ang pinakapinakikinggang mga kanta ng grupo sa Spotify:[30][31]
| Title | Year | Peak chart positions | Certifications | Album | Spotify Streams | YouTube Views |
|---|---|---|---|---|---|---|
| iTunes PH | ||||||
| "Tribes" | 2019 | 1[a] | — | Tribes | 42,339,951 | 34,548,443[32] |
| "Safe" | 2017 | 1[b] | — | Safe | 40,696,709 | 28,848,001[33] |
| "Lilim (In Your Shelter)" | 2019 | — | — | Lilim (EP) | 27,702,762 | 40,767,458[34] |
| "Beautiful Love" | 2017 | 1[c] | — | For Your Purpose (EP) | 16,801,238 | 319,413[35] |
| "Radical Love" | 2014 | 1[d] | PARI: Gold[36][37] | Radical Love | 12,710,491 | 6,188,169[38] |
Noong 2025, ang Victory ay may higit 540,000 followers sa Facebook, 80,000 followers sa Instagram, 55,000 followers sa X (formerly Twitter), at 46,000 subscribers sa YouTube. May kanya-kanyang ring mga website at social media accounts ang mga indibidwal na simbahan ng Victory.
<ref> tag;
walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang victory40); $2
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.