Vasectomy

Ang vasectomy ay isang proseso na isinasagawa sa mga lalaki upang mabaog at tuluyang mapigilan ang kakayahang makabuntis. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng p

Vasectomy

Ang vasectomy ay isang proseso na isinasagawa sa mga lalaki upang mabaog at tuluyang mapigilan ang kakayahang makabuntis. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagpuputol sa vasa deferentia at itinatali at upang hindi makapasok ang similya sa daluyan ng semen nang sagayon ay mapigilan ang fertilization. Ang operasyon ng vasectomy ay karaniwang isinasagawa sa mga klinika, at sa mga klinikang pambeterinaryo kung sa hayop, na hindi na kailangan pang manatili sa hospital nang matagal matapos ang operasyon sapagkat hindi masalimuot ang operasyon. Maliit lamang ang sugat at ang mga kailangang gawin sa operasyon.

May iba’t ibang mga paraan upang maisagawa ng doktor ang operasyon, lahat ng ito ay hinaharangan ang isang bahagi ng vas deferens. Upang mabawasan ang kaba at upang maging tahan ang mga pasyente lalo na kung mayroong matinding takot sa karayom, maaring isagawa ng walang karayom ang pagtuturok ng anaesthesia at hindi gagamit ng scalpel sa operasyon upang mapabilis at tumaas ang pagkakataon ng napagaling na mga pasyente.

Takbo

Ang kalimitang takbo ng pagsasagawa ay ang pagturok ng anaesthesia sa bayag upang mamanhid. Pagkatapos ay gumagamit ng scalpel upang gumawa ng tig-isang sugat sa magkabilang bahagi ng scrotum kung saan maaring ilabas ang mga vas deferens upang tuluyang tanggalin ng doktor. Ang vasa deferentia ay hinahati, pinaghihiwalay, tinatakpan ang isang bahagi sa pamamagitan ng pagtatali, pagseselyo, o pag-iipit. Maraming pamamaraan upang mapabilis ang paggaling, epekto at upang maiwasan ang pangmatagalang sakit tulad ng vasectomy pain syndrome (PVPS) or epididymitis.

Pagkatapos ng vasectomy, ang paggamit ng mga contraceptive precaution (pag-iingat na kontraseptibo) ay dapat ituloy hanggang sa matiyak ang azoospermia o ang tuluyang pagkawala ng mga similya. Karaniwang dalawang analisis ng semen at 3 hanggang 4 na mga buwan ang inaabot sa pagkumpirma ng azoospermia. Kung kumpirmadong tagumpay ang operasyon, siguradong baog na ang sumailalim sa vasectomy. Ang vasectomy ay itinuturing na permanente sapagkat ang pagpapawalang bisa rito ay mahal at kalimitan ay hindi na maibabalik pa ang dating dami ng similya at/o paggalaw ng sperm na katulad ng antas bago isinagawa ang vasectomy. Ang mga sumailalim na sa vasectomy ay mayroong maliit na pagkakataon na makabuntis pa ngunit wala itong damay sa nakakahawang sakit sa sekswal na paraan.

MedisinaSeksuwalidad Ang lathalaing ito na tungkol sa Panggagamot at Seksuwalidad ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.