Valkyrie

Ang Balkir, na nagiging Balkiriya o Kabalkiran kapag pangkatan (Ingles: Valkyr [isang Balkir], Valkyrie [isang pangkat ng mga Balkir] kapag isahan, na nagiging …

Valkyrie
Ang Ang Pangangabayo ng mga Balkir (1909), na iginuhit ni John Charles Dollman.

Ang Balkir, na nagiging Balkiriya o Kabalkiran kapag pangkatan (Ingles: Valkyr [isang Balkir], Valkyrie [isang pangkat ng mga Balkir] kapag isahan, na nagiging Valkyrs [maraming mga Balkir], Valkyries [pangkat ng mga Balkir] kung maramihan; Kastila: Valquiria [pangkat]; mula sa Matandang Nordiko: Valkyrja, "Mga Tagapili ng mga Napatay"; Aleman: Walküre kapag isa lang, na nagiging Walküren kung marami) ay ang mga diyosang nasa mabababang antas sa mitolohiyang Nordiko.[1] Pinaglilingkuran nila ang punong diyos na si Odin. Ang kanilang takdang gawain ay ang pumili ng kung sino ang mga namatay sa pinaka makabayaning pamamaraan mula sa labanan. Pagkaraan ng pagpili ay dinadala ng Balkiriya ang napili papunta sa Valhalla. Ang napiling ito ay tatawagin na bilang mga einherjar. At isasali sila kay Odin o kaya ay kay Freyja. Makikipaglaban sila sa piling ni Odin sa Ragnarök, ang labanan na nasa dulo ng mundo. Sa Valhalla, ang mga Balkiriya ay maghahain din at mangangalaga ng kapakanan ng nagpipistang mga mandirigma.

Pinaniniwalaan ng sinaunang mga taong Nordiko na ang mga Valkyr o ang Valkyrie ay sumasakay sa mga dambuhalang mga lobo, at na ang mga ito ay mayroong maiitim na mga pakpak na katumbas ng mga pakpak ng mga uwak; ang dalawang mga hayop na ito ay kapwa naghahakot mula sa mga bangkay na nasa pook ng labanan, na sumasagisag sa kamatayan at pagkawasak. Dahil sa paglaganap ng Kristiyanismo, ang ideya ng isang Balkiri ay nabago nang nabago upang maging isang paglalarawang Romantiko ng isang magandang babae.

Mga sanggunian

  1. "Valkyrie". UNYONPEDIA Communication. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Pebrero 2023. Nakuha noong 10 February 2023.

Mitolohiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Mitolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.


Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.