Umaga

Ang umaga ay panahon mula sikatan ng araw hanggang tanghali. Walang eksaktong oras para sa simula ng umaga (totoo rin para sa gabi) dahil nagkakaiba-iba ito ayo

Umaga
Umaga, kasunod lamang ng sikatan ng araw sa isang sakahan sa Namibia (2014)

Ang umaga ay panahon mula sikatan ng araw hanggang tanghali. Walang eksaktong oras para sa simula ng umaga (totoo rin para sa gabi) dahil nagkakaiba-iba ito ayon sa istilo ng pamumuhay ng isang tao at sa oras ng liwanag ng araw sa bawat oras ng isang taon.[1] Gayunman, nagwawakas ang umaga sa tanghali, kung kailan nagsisimula ang hapon. Maaaring ipaliwanag ang umaga bilang nagsisimula sa hatinggabi hanggang tanghali.

Nauuna ang umaga sa hapon at gabi sa isang araw.

Kahalagahan

Pagbati

Ang ilang mga wika na gumagamit ng oras ng maghapon sa pagbabati ay may natatanging pagbati para sa umaga, tulad ng magandang umaga sa Tagalog. Nakadepende sa kultura o konsepto ng tagapagsalita sa umaga ang naaangkop na oras sa paggamit ng gayong mga pagbati, gaya kung magagamit ito sa pagitan ng hatinggabi at bukang-liwayway.[2] Hindi tiyak ang paggamit ng 'magandang umaga', kadalasang dumidepende kung kailan gumigising ang tao. Bilang pangkalahatang tuntunin, ginagamit ang ganitong pagbabati mula 3:00n.u. hanggang tanghali.

Mga aktibidad

Karaniwang kabilang sa mga gawain sa umaga ang pagliligo, pag-aalmusal at posibleng pagmemerienda, pagbibihis, at, para sa ilang tao pagpaplano ng iskedyul ng araw o pagbabasa ng pahayagan.

Kultural na paggamit

Para sa ilan, maaaring tumukoy ang salitang umaga sa panahon karaka-raka matapos gumising anuman ang kasalukuyang oras ng maghapon. Itong makabagong diwa ng umaga ay dahil sa pandaigdigang paglaganap ng kuryente, at pagsasarili buhat sa mga likas na pinagmumulan ng liwanag.[3]

Talaangkanan

Ang umaga ay maaaring maging panahon ng pinahusay o nabawasang enerhiya at produktibidad. Nakakaimpluwensiya sa kakayahan ng tao na gumising sa umaga ang hene na tinatawag na "PER3". May dalawang anyo itong hene, isang "mahaba" at isang "maikling" baryante. Waring nakakaapekto ito sa kagustuhan ng tao sa mga gumaga o gabi. Labis na kinakatawan ang mga taong nagtataglay ng mahabang baryante bilang mga taong mahilig sa umaga, habang kinakatawan naman ang mga taong nagtataglay ng maikling baryante bilang mga taong mahilig sa gabi.[4]

Galeriya

Mga sanggunian

  1. Learner's Dictionary
  2. "Definition of good morning | Dictionary.com" [Kahulugan ng magandang umaga | Dictionary.com]. www.dictionary.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 31, 2019.
  3. "Why some of us are early risers" [Bakit maagang nagbabangon ang ilan sa atin]. BBC News (sa wikang Ingles). London. Hunyo 17, 2003. Nakuha noong Enero 30, 2008.
  4. "Gene determines sleep patterns" [Hene, nagpapasiya ng huwaran sa pagtulog]. BBC News (sa wikang Ingles). Marso 8, 2007. Nakuha noong Setyembre 9, 2020.

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.