Ang Universal Serial Bus (USB) ay isang pamantayang pang-industriya, na binuo ng USB Implementers Forum, para sa transmisyon ng dihital na datos at paghahatid n
|
| |||
|
Konektor ng USB-C para sa USB, Thunderbolt, and iba pang mga protokol (ipinapakita ang pamasak at lalagyan) | |||
| Uri | Bus | ||
|---|---|---|---|
| Production history | |||
| Nagdisenyo | |||
| Nadisenyo | Enero 1996 | ||
| Gumawa | Simula noong Mayo 1996[1] | ||
| Pinalitan | Serial port, parallel port, game port, Apple Desktop Bus, PS/2 port, at FireWire (IEEE 1394) | ||
| Bukas na pamantayan? | Oo | ||

Ang Universal Serial Bus (USB) ay isang pamantayang pang-industriya, na binuo ng USB Implementers Forum, para sa transmisyon ng dihital na datos at paghahatid ng kuryente sa pagitan ng iba't ibang uri ng elektronikong kagamitan. Itinatakda nito ang arkitektura, lalo na ang mga pisikal na interface, at mga protokol ng komunikasyon papunta at mula sa mga host, gaya ng personal na kompyuter, papunta at mula sa mga peripheral na aparato, tulad ng mga display, keyboard, at mga mass storage device (o kagamitang ng maramihang imbakan ng datos), pati na rin sa mga intermedyong hub na nagpaparami ng bilang ng mga port ng isang host.
Ipinakilala noong 1996, ang USB ay orihinal na idinisenyo upang gawing pamantayan ang koneksyon ng mga peripheral sa mga kompyuter, na pumalit sa iba't ibang interface tulad ng serial port, parallel port, game port, at Apple Desktop Bus (ADB). Ang mga unang bersyon ng USB ay naging karaniwan sa maraming uri ng aparato, tulad ng keyboard, mouse, kamera, printer, scanner, flash drive, smartphone, game console, at power bank. Mula noon, umunlad ang USB bilang pamantayan na pumalit sa halos lahat ng karaniwang port sa mga kompyuter, kagamitang pang-mobile, peripheral, power supply (o panustos ng kuryente), at marami pang maliliit na elektronikong kagamitan.
Sa pinakabagong pamantayan, ang USB-C na konektor ay pumapalit sa maraming uri ng konektor para sa kuryente (hanggang 240 W), display (halimbawa, DisplayPort at HDMI), at iba pang gamit, pati na rin sa lahat ng naunang USB na konektor.
Noong 2024, ang USB ay binubuo ng apat na henerasyon ng espesipikasyon: USB 1.x, USB 2.0, USB 3.x, at USB4. Pinahusay ng USB4 ang kakayahan sa paglilipat ng datos at paghahatid ng kuryente sa pamamagitan ng isang connection-oriented tunneling architecture (o arkitekturang tunneling na nakabatay sa koneksyon) na dinisenyo upang pagsamahin ang maraming protokol sa iisang pisikal na interface upang ang kabuuang bilis at pagganap ng USB4 Fabric ay maaaring dinamikong maibahagi.[2] Sa partikular, sinusuportahan ng USB4 ang tunneling ng mga protokol ng Thunderbolt 3, gaya ng PCI Express (PCIe, load/store interface) at DisplayPort (display interface). Nagdaragdag din ang USB4 ng mga interface mula host papunta sa isa pang host.
Ang bawat sub-bersyon ng espesipikasyon ay sumusuporta sa iba't ibang bilis ng signaling, mula 1.5 at 12 Mbit/s na kalahating-dupleks sa USB 1.0/1.1 hanggang 80 Gbit/s na buong-dupleks sa USB4 2.0.[3][2] Nagbibigay rin ang USB ng kuryente sa mga peripheral na aparato; ang mga pinakabagong bersyon ng pamantayan ay nagpapalawak ng limitasyon ng paghatid ng kuryente para sa pag-tsard ng baterya at para sa mga aparatong nangangailangan ng hanggang 240 watt, gaya ng itinakda sa USB Power Delivery (USB-PD) Reb. 3.1 V1.1 noong 2021. Sa paglipas ng panahon, ang USB(-PD) ay naging pamantayang panustos ng kuryente at paraan ng pag-tsard para sa maraming kagamitang pang-mobile, tulad ng mga teleponong selular, kaya nababawasan ang pangangailangan sa mga tsardyer na propietariyo.[4]
Ang USB ay idinisenyo upang gawing pamantayan ang koneksyon ng mga peripheral sa mga personal na kompyuter, kapwa para sa pagpapalitan ng datos at para sa panustos ng kuryente. Malaki ang naging bahagi nito sa pagpapalit sa mga interface gaya ng mga serial port at parallel port, at naging karaniwan na ito sa iba't ibang kagamitan. Ang mga peripheral na ikinakabit sa pamamagitan ng USB ay kinabibilangan ng mga keyboard at mouse, kamerang pang-bidyo, printer, portable media player, mobile digital telephone, disk drive, at network adapter. Ang mga konektor ng USB ay lalong pumapalit sa ibang uri ng mga kableng pang-tsard para sa mga kagamitang madaling dalhin o portable device.[5][6][7]
Ang mga konektor pang-interface sa USB ay inuuri sa tatlong uri:
Ang mga Type-A at Type-B na konektor ay may sukat na Standard, Mini, at Micro. Ang pormat na standard (o pamantayan) ang pinakamalaki at pangunahing ginagamit para sa mga desktop at malalaking peripheral. Ang mga Mini-USB (Mini-A, Mini-B, Mini-AB) ay ipinakilala para sa mga kagamitang pang-mobile, subalit mabilis itong napalitan ng mas manipis na Micro-USB (Micro-A, Micro-B, Micro-AB).
Ang konektor na Type-C, na kilala rin bilang USB-C, ay hindi eksklusibo sa USB. Ito ang tanging kasalukuyang pamantayan para sa USB, kinakailangan para sa USB4, at hinihingi rin ng ibang mga pamantayan gaya ng modernong DisplayPort at Thunderbolt. Ito ay reversible o puwedeng isaksak nang pabaligtad at kayang sumuporta sa iba't ibang gamit at protokol depende sa uri ng hardware.
Nagbibigay ang mga espesipikasyong USB ng backward compatibility o paurong na kompatilidad, na karaniwang nagreresulta sa pagbaba ng bilis ng signal, pinakamataas na kuryente, at iba pang kakayahan kapag gumagamit ng mas lumang bersyon.
Ang USB 3.0 ay nagpakilala ng bagong arkitektura na tinawag na SuperSpeed (SS). Gumamit ito ng bagong lane (o landas) para sa signal coding (5 Gbit/s; na kilala bilang Gen 1) na nagbibigay ng buong-dupleks na paglipat ng datos. Kinailangan nito ng limang karagdagang kawad at pin, subalit pinanatili ang apat na orihinal na pin para sa kompatibilidad sa USB 2.0, kaya naging 9 na kawad lahat ang kabuuan.
Ipinakilala naman ng USB 3.1 ang Enhanced SuperSpeed System na may dagdag na SuperSpeedPlus (SS+) na protokol (10 Gbit/s; kilala bilang Gen 2).
Sa USB 3.2,[9] nagdagdag ng pangalawang lane sa Enhanced SuperSpeed System kaya nagkaroon ng mga moda na Gen 1x2 (10 Gbit/s) at Gen 2x2 (20 Gbit/s). Ang mga "operasyong dalawang-landas"" na ito ay posible lamang gamit ang Full-Featured USB-C. Simula noong 2023, bihira pa ring ipatupad ang mga ito; sinimulan itong gamitin ng Intel sa kanilang ika-11 henerasyong mga modelong SoC na processor, subalit hindi ito ibinigay ng Apple. Gayunpaman, ang USB 3.2 Gen 1 (5 Gbit/s) at Gen 2 (10 Gbit/s) ay naging karaniwan na sa loob ng ilang taon.
Ginawa ang bawat koneksyon ng USB gamit ang dalawang konektor: a receptacle (o lalagyan) and a plug (o pamasak). Ipinapakita lamang ng larawan ang lalagyan:
| Pamantayan | USB 1.0
1996 |
USB 1.1
1998 |
USB 2.0
2000 |
USB 2.0, Binago | USB 3.0
2008 |
USB 3.1
2013 |
USB 3.2
2017 |
USB4
2019 |
USB4 2.0
2022 | |
|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
| Pinakamataas na bilis | Nirekomendang pagmemerkado simula noong 2022[10] | Basic-Speed | High-Speed | USB 5Gbps | USB 10Gbps | USB 20Gbps | USB 40Gbps | USB 80Gbps | ||
| Orihinal na tatak | Low-Speed & Full-Speed | SuperSpeed, o SS | SuperSpeed+, o SS+ | SuperSpeed USB 20Gbps | ||||||
| Moda ng operasyon | USB 3.2 Gen 1×1 | USB 3.2 Gen 2×1 | USB 3.2 Gen 2×2 | USB4 Gen 3×2 | USB4 Gen 4×2 | |||||
| Antas ng pag-signal | 1.5 Mbit/s & 12 Mbit/s | 480 Mbit/s | 5 Gbit/s | 10 Gbit/s | 20 Gbit/s | 40 Gbit/s | 80 Gbit/s | |||
| Konektor | Standard-A | — | ||||||||
| Standard-B | ||||||||||
| Mini-A | [pan 2] | — | ||||||||
| Mini-AB[pan 3][pan 4] | ||||||||||
| Mini-B | ||||||||||
| Micro-A[pan 5] | [pan 2][pan 6] | — | ||||||||
| Micro-AB[pan 3][pan 7] | ||||||||||
| Micro-B | ||||||||||
| Type-C (USB-C) | [pan 6] | (Pinalaki upang makita ang detalye) | ||||||||
| Mga pananda: |
| |||||||||
Isang grupo ng pitong kompanya ang nagsimula ng pagbuo ng USB noong 1995:[11] Compaq, DEC, IBM, Intel, Microsoft, NEC, at Nortel. Ang layunin ay gawing mas madali ang pagkakabit ng mga panlabas na aparato sa mga PC sa pamamagitan ng pagpapalit sa napakaraming konektor sa likod ng mga PC, pagtugon sa mga isyu sa paggamit ng mga umiiral na interface, at pagpapadali sa konpigurasyo ng software ng lahat ng mga kagamitan na nakakabit sa USB. Layunin din nito na payagan ang mas mabilis na bilis ng paglipat ng datos para sa mga eksternal na aparato at mga tampok na plug-and-play.[12]
Ang mga konsepto ng 1979 Atari SIO serial bus ng 8-bit Atari na kompyuter, 1980 IEEE-488 na Commodore bus, at HP-IL bus ng Hewlett Packard ang nagpasimula ng ganitong paraan.[13][14] Isang konsorsyo na pinangunahan ng Apple, kasama ang Sony, Panasonic (Matsusita), LG, Toshiba, Hitachi, Cannon, Philips Electronics, Compaq, Thomson, at Texas Instruments, ang nagpaunlad pa ng konsepto simula noong 1986 bilang pamantayang firewire na IEEE 1394 at pangkat ng patente.[15] Si Joseph C. Decuir, na mula sa Atari at Commodore at isa sa mga nagdisenyo ng Atari SIO common bus, ay nagtrabaho sa proyekto ng USB para sa Microsoft at nakakuha ng isa sa mga kaugnay na patenteng Amerikano.[16] Si Ajay Bhatt at ang kanyang koponan[17] ang nagtrabaho sa pamantayan sa Intel;[18][19] ang mga unang integrated circuit na sumusuporta sa USB ay ginawa ng Intel noong 1995.[20]
Dahil sa plug-and-play na katangian ng pamantayang USB, ang mga host na kompyuter ay bulnerable sa mga USB na naglalaman ng malisyosong software. Posibleng gumawa ng kagamitan na mukhang flash drive, subalit kapag isinaksak ay ginagaya ang isang keyboard at nagpapasok ng mga malisyosong command. Halimbawa, sa isang kompyuter na gumagamit ng Microsoft Windows, ang kagamitan ay maaaring maghintay ng itinakdang oras, pagkatapos ay bubuksan ang PowerShell at mag-da-download ng isang malware script. Ang atakeng ito ay tinatawag na BadUSB attack.[21][22]
Ang isa pang malisyosong kagamitan ay ang USB killer, na nagpapadala ng mga mataas na pulso ng boltahe sa mga linya ng datos, na sumisira sa anumang kagamitang na kinabitan nito.[23][24][25]
Sa mga bersyon ng Microsoft Windows bago ang Windows XP, awtomatikong pinapatakbo ng Windows ang isang script (kung mayroon man) sa ilang mga kagamitan sa pamamagitan ng AutoRun; isa na rito ang mga maramihang kagamitang imbakan (o mass storage device) na USB na maaaring naglalaman ng malisyosong software.[26]
Posible ring makuha ang buong kontrol sa sistema sa pamamagitan ng pag-hack sa isang kontroler ng USB.[27]
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.