Tulin

Ang tulin (Ingles: velocity) o belosidad o velosidad (mula Kastila: velocidad) ng isang bagay ay ang dalas ng pagbabago ng posisyon nito, na sinusukat mula sa i

Tulin
Tulin
Habang ang pagbabago ng direksyon ay nangyayari habang ang mga karera ng kotse ay bumubukas sa curved track, ang kanilang tulin ay hindi pare-pareho.
Mga kadalasang simbulo
v, v, v, v
Ibang yunit
mph, ft/s
Sa Batayang yunit SIm/s
DimensiyonL T−1

Ang tulin (Ingles: velocity) o belosidad o velosidad (mula Kastila: velocidad) ng isang bagay ay ang dalas ng pagbabago ng posisyon nito, na sinusukat mula sa isang sinasangguning punto (Ingles: frame of reference). Sa matematika, isa itong bunin ng panahon. Di tulad ng bilis na isang eskalar na kantidad, ang tulin ay isang bektor; ibig sabihin, may direksyon rin ito bukod sa kalakhan (Ingles: magnitude) o halaga. Ito ay isinusulat o nirerepresenta bilang: o . Mahalaga at parating ginagamit ang tulin sa kinematika, isang sangay ng klasikong mekaniks na tumutukoy sa paggalaw ng mga bagay.

Kung nagbabago ang tulin ng isang bagay, umaarangkada ito.

Paglalarawan

May dalawang katangian ang tulin: bilis at direksyon. Ang bilis ay ang eskalar na kantidad ng tulin. Kung nagbabago ang tulin ng isang bagay, ibig sabihin, umaarangkada ito.

Kung ang isang bagay ay kumikilos papunta sa iisang direksyon at patuloy na lumalayo o lumalapit mula sa orihinal na kinalalagyan nito nang hindi bumibilis o bumabagal, sinasabing ang naturang bagay ay may di-nagbabagong tulin (Ingles: uniform velocity). Sa kabilang banda naman, kung ito ay bumibilis o bumabagal sa paglalakbay, o kaya nagbabago ang kanyang direksyon, sinasabing ito ay may nagbabagong tulin (Ingles: non-uniform velocity).

Walang tulin ang isang bagay kung hindi nagbabago ang posisyon nito, na maaaring mangyari kung ito ay umalis at bumalik sa orihinal nitong posisyon, o kaya hindi ito umalis. Kung hindi nagbago ang posisyon, walang direksyon ang tulin. Ganon din sa kabaligtaran: kung walang direksyon ang tulin ng isang bagay, ibig sabihin, hindi nagbabago ang posisyon nito.

Sa usaping ito, ang distansya ay sinusukat mula sa isang sinasangguning punto.

Ang tulin ay isang halimbawa ng bektor. May dalawang katangian ang mga bektor: kalakhan at direksyon. Ang kalakhan ng tulin ay ang bilis nito, at ang direksyon ay kung saang gawi ito papunta.

Paghahambing

Tulin at bilis

Ang bilis ay isang eskalar na kantidad. Ibig sabihin, wala itong direksyon. Samantalang ang tulin naman ay bektor na nangangailangan ng eskalar na kantidad at direksyon.[1][2]

Di-nagbabagong tulin at arangkada

Para masabing di-nagbabago ang tulin ng isang bagay, dapat hindi nagbabago ang parehong bilis at direksyon nito. Ang ibig sabihin ng hindi nagbabagong direksyon ay kailangang tuwid o diretso ang tinatahak ng isang bagay.[3]Nagbabago ang tulin kung paikot-ikot ang direksyong tinatahak, kahit na di-nagbabago ang bilis. Sa kasong ito, sinasabing umaarangkada ang naturang bagay.

Sanggunian

  1. Rowland, Todd (2019). "Velocity Vector" [Bektor na Tulin] (sa wikang Ingles). Wolfram MathWorld. Nakuha noong Abril 29, 2021.
  2. Wilson, Edwin Bidwell (1901). Vector analysis: a text-book for the use of students of mathematics and physics, founded upon the lectures of J. Willard Gibbs [Pagsusuring pambektor: isang libro para sa paggamit ng mga mag-aaral ng matematika at pisika, ginawa mula sa mga turo ni J. Willard Gibbs] (sa wikang Ingles). p. 125.
  3. "Equations of Constant Velocity" [Mga Tumbasan ng Di-nagbabagong Tulin]. FisicaLab (sa wikang Ingles). Nakuha noong Abril 29, 2021.

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.