Ang toksoyd (mula sa Ingles na toxoid) ay isang toksin o lason na nabawasan o napahina na ang pagiging katangiang nakalalason, subalit may bisa pa rin upang map
Ang toksoyd (mula sa Ingles na toxoid) ay isang toksin o lason na nabawasan o napahina na ang pagiging katangiang nakalalason, subalit may bisa pa rin upang mapabilis ang produksiyon ng antitoksin at may kakayahan pa ring makilangkap sa antitoksing ito. Ginagamit ito sa pag-gawa ng mga bakuna.[1] Hindi na nakapagdurulot ng sakit ang toksoyd kapag idinarang ito sa init o mga kimikal. Subalit, nakasasanhi ito sa katawan upang gumawa ng mga antibody o panlaban ng katawan upang kalabanin ang mga toksin. Ibinibigay ng mga manggagamot ang mga toksoyd bilang isang anyo o paraan ng proteksiyon o pananggalang laban sa partikular na mga karamdamang katulad ng dipterya at tetano (kilala rin sa Ingles bilang lockjaw: ang pagpinid o pagsasara ng panga).[2] Ang mga toxoid ay ginagamit bilang mga bakuna dahil nagdudulot ang mga ito ng tugon ng immune system sa orihinal na lason o nagpapataas ng tugon sa ibang antigen dahil napanatili ang mga toxoid marker at toxin marker.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.