Ang tiyo o tiyuhin (Ingles: uncle, Latin: avunculus o "maliit na lolo" at kaugnay ng avus o "lolo") ay isang katawagan ng isang pamangkin para sa kapatid na lal
Ang tiyo o tiyuhin (Ingles: uncle, Latin: avunculus o "maliit na lolo" at kaugnay ng avus o "lolo") ay isang katawagan ng isang pamangkin para sa kapatid na lalaki ng isang magulang o para sa asawa ng isang kapatid na babae ng isang magulang. Katumbas ito ng tiya, kung babae. Ginagamit din itong pamagat ng paggalang o taguring may paggalang ng mga bata para sa mga nakatatanda o matatanda[1], halimbawa na bilang pangtawag sa mas nakatatandang mga pinsan, mga kapitbahay, mga kaibigan, o maging para sa mga hindi nakikilalang mga tao. Isa rin itong katawagang pangkarangalang ibinibigay sa ibang tao. Katumbas ito ng amain, kaka, tito, o mama (hindi ang ina).[1], bagaman ginagamit din ang kaka bilang pantawag para sa panganay na kapatid na lalaki o babae (para sa kuya o sa ate).[2] Ngunit bilang panturing sa tiyo o tiya, karaniwang ginagamit ang kaka para tawagin o tukuyin ang isang panganay na tiyo o tiya.[2] Maaari rin itong maging panawag para sa isang taong tagapayo.[1]
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.