Ang Tirano (Lombardo: Tiran; Aleman: Thiran) ay isang bayan at comune (komuna o munisipalidad) sa Valtellina sa Lalawigan ng Sondrio, rehiyon ng Lombardia, hila…
Tirano Tiran (Lombard) | ||
|---|---|---|
| Città di Tirano | ||
| ||
Tirano sa loob ng Lalawigan ng Province ng Sondrio | ||
| Mga koordinado: 46°12′59″N 10°10′08″E / 46.21639°N 10.16889°E | ||
| Bansa | Italya | |
| Rehiyon | Lombardy | |
| Lalawigan | Sondrio (SO) | |
| Mga frazione | Baruffini, Cologna, Madonna di Tirano, Roncaiola | |
| Pamahalaan | ||
| • Mayor | Franco Spada | |
| Lawak | ||
| • Kabuuan | 32.37 km2 (12.50 milya kuwadrado) | |
| Taas | 441 m (1,447 tal) | |
| Populasyon (2018-01-01)[2] | ||
| • Kabuuan | 9,050 | |
| • Kapal | 280/km2 (720/milya kuwadrado) | |
| Tawag sa tagalugar | Tiranesi | |
| Sona ng oras | UTC+1 (CET) | |
| • Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) | |
| Kodigong Postal | 23037 | |
| Kodigo sa pagpihit | 0342 | |
| Santong Patron | Martin ng Tours | |
| Saint day | Nobyembre 11 | |
| Websayt | Opisyal na website | |

Ang Tirano (Lombardo: Tiran; Aleman: Thiran) ay isang bayan at comune (komuna o munisipalidad) sa Valtellina sa Lalawigan ng Sondrio, rehiyon ng Lombardia, hilagang Italya. Mayroon itong 9,053 na naninirahan (2016) at katabi ng hangganan ng Suwisa-Italya. Ang ilog Adda ay dumadaloy sa bayan.
Matatagpuan sa malapit ay ang Katolikong dambana ng Madonna di Tirano,[3][4] isang pangunahing atraksiyong panturista. Ang dambana ay nakatuon sa pagpapakita ng Mahal na Ina kay Mario Degli Omodei noong Setyembre 29, 1504, isang pangyayari na pinarangalan ng mga relihiyosong peregrino sa pagtatapos ng isang salot.
Ang Museo Etnografico Tiranese (MET) ay isang museong etnograpiko at matatagpuan malapit sa Basilica Madonna di Tirano sa isang ika-18 siglong Palazzo, ang Casa del Penitenziere (Bahay ng Penitente).
Ang museo ng Palazzo Salis sa lumang bayan ng Tirano ay isang halimbawa ng paggamit ng trompe l'oeil upang lumikha ng ilusyon ng mga tampok na arkitektura.[5]
May kaugnay na midya ang Tirano sa Wikimedia Commons
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.