Timbang

Ang timbang o bigat ay isang katangiang-ari ng materya sa ibabaw ng mundo. Hinihila ng mundo ang materya papunta sa kanya. Tinatawag na timbang o bigat ang pagh

Timbang
Timbang
Isang timbangan ng bigat ng tao.
Mga kadalasang simbulo
Yunit SInewton (N)
Ibang yunit
pound-force (lbf)
Sa Batayang yunit SIkg⋅m⋅s−2
Ekstensibo?Yes
Intensibo?No
Napapanatili?No
Pagkahango mula sa
ibang kantidad
Dimensiyon

Ang timbang o bigat ay isang katangiang-ari ng materya sa ibabaw ng mundo. Hinihila ng mundo ang materya papunta sa kanya. Tinatawag na timbang o bigat ang paghilang ito. Hinihila rin ng materya ang mundo. Nagbabago ang timbang ng mga bagay kapag nasa antas sila ng dagat at habang nasa tuktok ng isang bundok.

Sa pisika, mayroong sari-saring hindi magkakatumbas na mga kahulugan ng diwa ng timbang. Sa isa sa maraming mga pangkaraniwang kahulugan, ang timbang o bigat ng isang bagay, na karaniwang sinasagisag ng titik na W (mula sa Ingles na weight), ay binigyang kahulugan bilang katumbas ng puwersang grabitasyonal na binuhos o itinuon dito ng grabidad. Ang puwersa o lakas na ito ang produkto ng masa o m ng bagay at ng lokal o katutubong akselerasyong grabitasyonal o g.[1]: 48  Isinasaad sa loob ng pormulang: W = mg. Sa Internasyunal na Sistema ng mga Yunit, ang yunit ng sukat para sa timbang ay katumbas ng para sa lakas o puwersa: ang Newton.

Mga halimbawa ng timbang

Pagsusukat ng timbang

Maaaring sukatin ang timbang ng isang bagay sa pamamagitan ng eskala o timbangan. Ang timbang ay ang isang bilang na nagpapakita kung gaano hinihila ng mundo ang materya. Kailangan ng bilang ang isang yunit ng sukat upang maging magagamit. Ang yunit ng timbang sa agham at inhinyeriya ay ang Newton, na isa talagang yunit ng lakas o puwersa, dahil ang timbang ay isang lakas.

Tingnan din

Mga sanggunian

  1. Gat, Uri (1988). "The weight of mass and the mess of weight". Mula sa Richard Alan Strehlow (pat.). Standardization of Technical Terminology: Principles and Practice – second volume. ASTM International. pp. 45–48. ISBN 978-0-8031-1183-7.

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.