Tapal

Ang tapal, panapal, o pantapal ay mga uri ng panggamot o mabilis na pampagaling o panghilom, katulad ng yerba, na itinatakip o idinirikit sa mga sugat o nananak

Tapal

Ang tapal, panapal, o pantapal ay mga uri ng panggamot o mabilis na pampagaling o panghilom, katulad ng yerba, na itinatakip o idinirikit sa mga sugat o nananakit at nasaktang mga masel ng katawan.[1][2] Kalimitang ginagamit na sangkap ang mga dinikdik na dahon o kaya pinainitang putik. Tinatawag din itong pumento, implasto, o kataplasmo.[1] Para rin itong isang pamitpit o kompres, ngunit ginagamit ang buong yerba sa halip na likidong katas lamang ng yerba. Bagaman malimit na mainit ang ginagamit na tapal, gumagamit din ng malalamig na pantapal.[2]

Mga sangkap at kagamitan

Kabilang sa mga sangkap ang sapat na bilang ng sariwang mga dahon ng mga yerba na magsisilbing pantakip sa apektadong bahagi ng katawan. Gumagamit din ng kawali at mga piraso ng gasa o bulak.[2]

Paghahanda, pagluluto, at paggamit

Sa pagluluto ng pantapal, pinakukuluan ang sariwang mga yerba. Pinipiga mula sa pinakuluang mga yerba ang labis na likido. Pagkaraan, nagpapahid muna ng kaunting langis sa ibabaw ng balat o apektadong bahagi ng katawan. Mahalaga ang pagpapahid muna ng langis upang hindi dumikit o manikit sa balat o bahagi ng katawan ang yerba. Saka naman ipinapatong at ikinakalat ang mga yerba sa ibabaw ng apektadong bahagi ng katawan. Pagkatapos, binabalutan ng gasa o mga piraso ng bulak ang tapal upang manatili sa kinalalagyan ang mga ito. Pinapalitan ang tapal sa bawat dalawa hanggang apat na mga oras, o kaya kung kailangan na.[2]

Tingnan din

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 Gaboy, Luciano L. Poultice - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 Ody, Penelope (1993). "Poultice". The Complete Medicinal Herbal. DK Publishing, Inc., pahina 124.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.