Ang mga taong pagalagala o mga taong lagalag (Ingles: mga nomad, nomadic people, itinerant) ay mga taong walang pamalagiang tahanan o mga taong walang pirmihang tahanan ay maaaring tumukoy, sa makitid na kahulugan, sa mga taong nagpapagala-gala upang makahanap ng pastulan. Maaari rin itong mangahulugan bilang "tribong namamastol". Sa diwa ng paggamit sa pangkasalukuyang kapanahunan, maaari itong tumukoy sa mga taong palibut-libot o mga taong mapaglakbay, na mga taong kasapi sa isang pamayanan ng mga tao na nagpapalipat-lipat mula sa isang lugar papunta sa iba pang pook, sa halip na manatili o mamirmihan nang palagian sa isang lokasyon. Mayroong tinatayang 30 milyon hanggang 40 milyong mga taong nomadiko sa buong mundo. [1]
Maraming mga kulturang tradisyunal na pagala-gala, subalit ang nakaugaliang ugaling nomadiko ay lalong nagiging bihira na sa mga bansang industriyalisado.
Mga sanggunian
Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Kasaysayan at Ekonomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.