Ang Tagani Inc., mas kilala bilang Tagani, ay isang Pilipinong korporasyon sa industriya ng teknolohiyang pang-impormasyon sa agrikultura.[1] Kasama sa
| Kilala dati | Amiga Philippines, Tagani.ph |
|---|---|
| Uri | Pribado |
| Industriya | Teknolohiya Agrikultura |
| Itinatag | 1 Oktubre 2016 |
| Mga tagapagtatag | Keb Cuevas Yvonne Manalo |
| Punong-tanggapan | , |
Pangunahing tauhan | Keb Cuevas (Chief Agriculturist & CEO) |
| Websayt | tagani.org |
Ang Tagani Inc., mas kilala bilang Tagani, ay isang Pilipinong korporasyon sa industriya ng teknolohiyang pang-impormasyon sa agrikultura.[1] Kasama sa kanilang mga serbisyo ay e-learning para sa pagsasaka at pag-gawa ng mga teknolohiya para sa pangangasiwa at pagtutuos sa negosyong sakahan at agribusiness. Ito ay nakabase sa Suriang Asyano ng Pamamahala sa Lungsod ng Makati.
Ang pangalang Tagani ay hango sa salitang Tagalog na tag-ani ("panahon ng ani"). Ito rin ay galing sa pangalan ng Tagalog na diyos na si Tag-ani.
Noong 2019, nagawaran bilang parte ng TOP100 Startups in Asia Pacific ang Tagani ng e27.co.[2]
Ang Tagani ay nag-simula bilang isang proyekto nga mga estudyante galing sa Unibersidad ng Pilipinas. Ito ay pinangalanang Amiga Philippines noong 2016 na nag-turo sa mga kababaihang magsasaka ng pag-tutuos na isinalin sa wikang Tagalog para mas madaling maintindihan.[3] Ito ay nanalo sa patimpalak na Sampung Matagumpay na Samahan ng Kabataan (TAYO Awards) noong 2017 sa kategoryang Kabuhayan at Pagnenegosyo.[4]
Kalaunan, ito ay naging isang ganap na korporasyon na nagnangalang Tagani Inc., nagnenegosyo bilang Tagani.ph, noong Agosto 2018[5] at naging kinatawan ng Pilipinas sa Pagtitipong ng mga Kabataang Negosyante ng ASEAN (ASEAN Young Entrepreneurs Forum) na ginanap sa Lungsod ng Ho Chi Minh sa Vietnam.[6][7] Ang kumpanya ay naging parte rin ng programa na Inisyatibong pang Kabataan ng Timong Silangang Asya (YSEALI) sa Brown University sa parehong taon.[8]
Bilang Tagani.ph, ay operasyon ng Tagani ay pokus sa online na palengke kasama ang Kagawaran ng Pagsasaka.[9][10] Noong 2019, sumikat ang Tagani sa hatirang pangmadla dahil sa mga ulat nito ukol sa labis na suplay ng mga gulay sa iba't ibang bahagi ng bansa.[11][12][13]
Noong March 2020, ang kumpanya ay nagsimula ng kampanya para tumulong sa mga magsasakang naapektuhan ng pandemyang COVID-19 sa Pilipinas na sinuportahan naman ng dalawang artistang Thai na sina Bright Vachirawit and Win Metawin.[14][15][16] Noong Agosto 2020, ang Tagani ay bumuo ng mga toolkit para sa pagdidistansyang panlipunan sa mga palengke.[17][18] Ang parehong proyekto ay sinuportahan ng Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos.[19]
Noon January 2021, tinanggal ang ".ph" sa tatak ng Tagani at pansamantalang itinigil ang kanila operasyon sa online palengke para makapag-pokus sa kailang mga teknolohiya para sa pangangasiwa at pagtutuos sa negosyong sakahan at agribusiness.[kailangan ng sanggunian] Noong Marso 2021, ang Tagani ay naglabas ng online na mapa ng mga bodegang bayan sa Pilipinas.[20][21]
{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
{{cite book}}: CS1 maint: year (link)
{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.