Sucre

Ang Sucre (Kastila: [ˈsukɾe]) ay konstitusyunal na kabisera ng Bolivia, ang kabisera ng Departamento ng Chuquisaca at ang ika-6 na pinakamataong lungsod

Sucre
Sucre

Sucre
Chuqichaka
Sukri
Sucre
Malaking lungsod
Watawat ng Sucre
Watawat
Eskudo de armas ng Sucre
Eskudo de armas
Map
Mga koordinado: 19°02′51″S 65°15′36″W / 19.0475°S 65.26°W / -19.0475; -65.26
Bansa Bolivia
LokasyonSucre (muncipio, Bolivia), Provincia Oropeza, Chuquisaca Department, Bolivia
Itinatag1538 (Huliyano)
Ipinangalan kay (sa)Antonio José de Sucre
Pamahalaan
 • Pinuno ng pamahalaanEnrique Leaño Palenque
Lawak
 • Kabuuan1,768 km2 (683 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2021)
 • Kabuuan360,544
 • Kapal200/km2 (530/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC−04:00
WikaKastila, Wikang Aymara, Wikang Quechua, Wikang Guarani
Websaythttps://sucre.bo/

Ang Sucre (Kastila: [ˈsukɾe]) ay konstitusyunal na kabisera ng Bolivia, ang kabisera ng Departamento ng Chuquisaca at ang ika-6 na pinakamataong lungsod sa Bolivia. Matatagpuan sa timog-sentral na bahagi ng bansa, nasa elebasyon na 2,810 metro (9,214 talampakan) ang Sucre. Medyo mataas na altitud ito na binibigyan ang lungsod ng isang subtropikong kataasang klima na may malamig na temperatura sa buong taon.

Ang pangalan nito bago ang Kolumbiyano ay Chuquisaca; noong panahon ng Imperyong Kastila, tinatawag itong La Plata.

Bago dumating ang mga Kastila, may sariling awtonomo ang lungsod ng Chuquisaca patungkol sa Imperyong Inca (ang mga Charca lamang ang mga taong hindi nagbabayad ng pantubos para sa mga bihag na Inca).

Kasaysayan

Noong Nobyembre 30, 1538, itinatag ang Sucre sa ilalim ng pangalang Ciudad de la Plata de la Nueva Toledo (Lungsod ng Pilak ng Bagong Toledo) ni Pedro Anzures, Marqués de Campo Redondo.

Noong Mayo 25, 1809, nagsimula ang kilusang kalayaan sa Bolivia na nagsimula sa pagtugtog ng kampana ng Basilika ni San Francisco. Pinatunog ang kampana hanggan sa puntong masisira na ito, ngunit matatagpuan pa rin ito sa Basilika ngayon: ito ang isa sa mga pinakamahalagang relikiya ng lungsod. Hanggang ika-19 na siglo, ang La Plata ay sentrong panghukuman, relihiyoso at pangkalinangan ng rehiyon. Ipinahayag ito bilang ang pansamantalang kabisera ng bagong malayang Alto Peru (sa kalaunan, Bolivia) noong Hulyo 1826.[1] Noong Hulyo 12, 1839, idineklera ng Pangulong José Miguel de Velasco ang isang batas na pinapangalan ang lungsod bilang kabisera ng Bolivia, at pinalitan ang pangalan upang parangalan ang rebolusyonarong pinuno na si Antonio José de Sucre.[1]

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 "Sucre.", Sociedad Geográfica (1903). Diccionario geográfico del Departamento de Chuquisaca: contiene datos geográficos, históricos y estadisticos (sa wikang Ingles). Impr. "Bolívar" de M. Pizarro. pp. 296–97.

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.